^

PSN Opinyon

Kasalanan nito, kasalanan nu’n, baha pa rin!

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

SIMULA pa lang ng tag-ulan. Wala pa ang mga bagyong mala delubyo. Habagat pa lamang ang nagaganap na pag-ulan sa Metro Manila, ayon sa PAGASA. Pero bakit sunud-sunod na ang pagbaha, na tila mas madalas, mas mabilis ngayon kaysa noon? Ilang araw nang nabubuhol sa trapik ang mga motorista, dahil sa mabilis na pagbaha ng mga kalsada. Pati mga lugar na hindi naman binabaha noon ay lumulubog na rin. Kaya siyempre, nagsimula na ang turuan.

Sinisisi ng DPWH ang mga informal settlers na nakatira sa mga estero at kanal. Hindi dumadaloy ang tubig patungong Manila Bay dahil barado ang mga estero’t kanal ng mga tahanang itinayo sa tabi, kasama ang lahat ng basura na nagmumula sa kanila. Inamin ni DPWH Sec. Rogelio Singson na hindi nila naasikaso ang pagtanggal at paglipat ng mga pamilyang nakatira sa mga estero’t kanal, dahil sa eleksyon. Sa madaling salita, malamang hindi sila pinagalaw ng mga tumakbo sa nakalipas na halalan, dahil sa mga botong makukuha nila! Ngayon, umuulan na, lalong mas mahirap ilikas o ilipat silang lahat! Sinisisi naman ng MMDA ang mga hindi pa tapos na trabaho sa mga kalsada. Mga binungkal na kalsada na nilalagyan pa ng mga tubo. Binanggit ko na rin iyan, na magpapasukan na eh bakit hindi pa tapos ang mga hukay na iyan.

Kahit magsisihan pa silang lahat, magpapatuloy pa rin ang ulan, darating pa rin ang mga bagyo, at hindi aalis ang mga informal settlers nang basta-basta lamang. Lagi nating naririnig ang salitang “political will”. Naririnig, pero hindi nakikita. Panahon na para ipakita ang “political will” na iyan. Kailangang ilikas at ilipat na ang mga informal settlers. Kailangang tapusin ang mga proyekto sa kalsada. Kung hindi, magbabaha at magbabaha pa rin tuwing umuulan, na halos araw-araw na.

Kailangang imbestigahan din ang paniniwa­la na may mga lugar na sadyang pinababaha, sa pamamagitan ng pagbara ng mga kanal, para may “negosyo” ang mga magtutulak ng sasakyan kapag tumirik na. Matagal ko na ring naririnig iyan, at mukhang may katotohanan. Alam nating basura ang nagbabara ng mga kanal. Pero kung may naglagay nito ang dapat maimbestigahan.

ALAM

KAILANGANG

MANILA BAY

METRO MANILA

PERO

ROGELIO SINGSON

SINISISI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with