Proteksyon Laban sa MERS-Coronavirus
ANG Middle East Respiratory Syndrome (MERS Coronavirus) ay nadiskubre noong April 2012. Hindi pa tiyak kung saan ito nagmula. Karamihan ng kaso ay nasa Saudi Arabia, Qatar at United Kingdom, pero maraming bansa na ang naapektuhan nito.
Ang pinaniniwalaang paraan ng pagkalat nito ay ang pag-ubo o pagbahing kung saan naipapasa ang virus sa iba. Posible ring makuha ang virus sa paghawak ng kamay.
Ang mga sintomas ng MERS Coronavirus ay ang lagnat, ubo na may plema, hirap sa paghinga, at pulmonya. Puwede rin magkaroon ng kidney failure.
Kung ang isang tao ay mayroong sintomas nito at nanggaling siya sa isang lugar na may MERS Coronavirus, kailangan siyang pumunta sa isang malaking ospital para masuri. Matindi at seryoso ang sakit na ito.
Tips para iwas sa sakit:
1. Lumayo sa mga taong inuubo para hindi mahawa.
2. Huwag muna makipagkamay o humalik sa taong may ubo. Kumaway na lang.
3. Maghugas ng kamay palagi.
4. Puwedeng magbaon ng 70% alcohol o hand sanitizer para laging malinis ang kamay.
5. Puwedeng magsuot ng facemask kung nasa lugar na maraming tao.
6. Palakasin ang katawan. Kumain ng masustansya at matulog ng sapat.
Tips sa inuubo at maysakit:
Sa may sakit at inuubo, lumalabas ang mikrobyo mula sa bibig at ilong patungo sa ibang tao. Alamin ang tamang paraan ng pag-ubo.
1. Gumamit ng tissue o panyo kapag uubo o babahing. Pagkagamit ng tissue ay itapon ito sa basurahan.
2. Huwag umubo sa harap ng ibang tao. Lumayo ng 4 feet sa taong inuubo.
3. Huwag umubo sa iyong kamay dahil mas maÂdali mong maililipat ang mikrobyo sa ibang tao. Kapag nagkamali ka at nakaubo sa iyong kamay ay maghugas na lang ng kamay pagkatapos. Puwede din gumamit ng alcohol.
4. Ang tamang direkÂsyon ng pag-ubo ay pababa patungo sa sahig. Huwag umubo ng pataas dahil maikakalat mo lang ang iyong mikrobyo sa buong kuwarto.
5. Huwag dumura ng pleÂma kung saan-saan sulok. Dumura sa lababo o kubeta at hugasan ito ng tubig.
6. Kung kayo ay may sakit at inuubo, huwag munang pumasok sa trabaho o paaralan para hindi ma-kahawa ng iba. Puwede rin magsuot ng face mask.
7. Maghugas ng kamay palagi.
8. Kapag masama na ang pakiramdaman, magtuÂngo sa ospital para masuri. Good luck.
- Latest