^

PSN Opinyon

Sec. Neric Acosta binalaan ang QSR’s

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

NAGBABALA si Secretary for Environmental Protection and concurrent Laguna Lake Development Authority (LLDA) head Neric Acosta sa mga Quick Service Restaurants (QSRs) na nag-ooperate sa Metro Manila at CALABARZON na sumunod sa patakaran ng wastewater treatment na nakasaad sa regulasyon at alintuntunin ng Philippine Clean Water Act of 2004.

For your information Dear Readers, si Acosta ang orihinal at panguna­hing may akda dito.

Ibinida ni Acosta sa mga kuwago ng ORA MISMO, na kung hindi maipatutupad ng tama ang wastewater management sa mga Restaurants, magdudulot ito nga matinding polusyon sa Laguna Lake at panganib sa food security sa lugar.

Ang laway este mali  lawa pala ang pinagkukunan ng 70% ng fish supply sa Metro Manila. Ang matindi pa sabi ni Acosta,  maaaring malason ang isda na posible namang makalason sa mamimimili kapag nakain ito.

Bunsod nito, pinangunahan ni Acosta ang paglagda sa isang kasunduan sa pagitan ng LLDA at Golden Arches Corporation, owners ng McDonald’s franchise sa bansa para sa phased-in installation ng wastewater treatment facilities sa mga sangay ng naturang fast-food restaurant sa Laguna de Bay Region (LDBR).

Ayon kay Secretary Acosta, ang McDonald’s ay maglalagay ng water treatment facilities sa 45 branches nito sa LDBR mula July 2013 hanggang December 2014. Nangako naman si Acosta sa McDonald’s na lilikha ang LLDA ng incentives para hikayatin ang iba pa na sumunod sa standards ng Clean Water Act na nagdidikta para sa Quick Service Restaurants sa bansa. Tiniyak din ng LLDA ang pagkakaloob ng rasonableng tulong sa kumpanya para sa maayos na implementasyon ng proyekto.

Birada ni Acosta, “The LLDA recognizes the indispensable role of the private sector in carrying out its mandate for the promotion of the sustainable resilience and development of the Lake Basin and the Laguna De bay Region.’

Paalam mga bugok sa BI

ILALABAS natin muli ang sulat ng Department of Tourism sa Bureau of Immigration para makarating ito sa Malacañang at desisyunan na mismo ni P. Noy kung sisipain sa puesto si BI Commissioner Ric David Jr., dahil mukhang hindi kayang patakbuhin ng maayos ang nasabing lugar.

Sabi nga, issue ng Command Responsibilities!

May 17, 2013.

Honorable Ricardo A. David Jr., Commissioner Bureau of Immigration 2nd floor of Immigration Bldg., Magallanes Drive, Intramuros, Manila.

Dear Commissioner David,

As part of the thrust of the Department of Tourism in promoting the Philippines as a cruise tourism destination our delegation attended the Cruise Shipping Miami 2013 convention in Florida USA, last March 11 - 14, 2013.  This convertion served as a venue for our team to meet with various several cruise line companies who expressed their interest and signified that they will be sailing on years 2014 - 2015,

Among those that the Philippine Teammet during these event was representatives of the Royal Carribean Cruise Limited (RCCL) who expressed concerns on the alleged overcharge of laundry fee (US$250.00/person)by the Philippines Bureau of Immigration officers to facilitate the stamping of passports for their passengers.

In this regard, may we respectfully request for clarification on the matter of procedures and rates charged for the collection of laundry for arriving cruise ship passengers.

Thank you and we look forward to your positive response to our request.

Signed Atty. Maria Victoria V. Jasmin

Tourism Regulation Coordination and Resource Generation.

Maliwanag pa sa sikat ng araw na may ‘extortion activities’ sa mga foreign passenger na sumakay sa Carribean Cruside ship dahil tinatarahan este mali sinisingil pala ng mga bugok dyan sa Bureau of Immigration Bay Boarding Services at pinalalabas na ‘laundry fee’ para maitago ang kanilang kabulastugan.

Sampal at malaking dagok ito sa Philippine Tourism dahil sa reklamo ng RCCL regarding overpriced at hindi ito biro. Take note, P. Noy!

Sigurado ang mga kuwago ng ORA MISMO, oras na makarating ito sa kaalaman ni P. Noy umaatikabong sabunan ulit ito tulad ng nangyari noon isang taon sa anniversary ng Bureau of Immigration mula ulo hanggang paa sa harapan ng madlang people todo sabon ang ginawa ng pangulo kay David.

Sabi nga, buti nga!

Sa sulat pa lamang ng DOT makikita na ang sama ng loob ng mga ito dahil nagtataka sila kung para saan ang US$250.00 per head na bayad sa ‘laundry fee,’ ng mga foreign tourist na sumakay sa Royal Caribbean Cruise na dumaong sa Philippines my Philippines.

Paano ngayon Commissioner David Jr., dokumentado na ito iyan ang sulat sa itaas basahin mo dahil may humihingi ng paliwanag mo..

Siguro dapat ipasa ang sulat sa DOJ o NBI o sa Office of the Ombudsman para sila ang mag-imbestiga dito at mabigyan linaw ang ‘extortion problem’ at masolusyunan.

Ano kaya ang masasabi dito ni Teody Pascual, ang hepe ng Immigration Bay Boarding Service?

Abangan.

ACOSTA

BAY REGION

BUREAU OF IMMIGRATION

DEPARTMENT OF TOURISM

METRO MANILA

PARA

QUICK SERVICE RESTAURANTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with