^

PSN Opinyon

Private schools nanganganib

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

NAKAKAAWA ang kalagayan ng mga pribadong paaralan. Marami na kasing mga guro na lumilipat sa mga pampublikong paaralan dahil halos doble ang suweldong kanilang tatanggapin.

Sa private schools, ang suweldo ng mga guro ay mula siyam hanggang sampung libong piso habang sa public schools ay umaabot na sa P20 libo ang sahod ng mga teachers.

Pero kahit mataas ang suweldo ng mga guro sa mga pampublikong paaralan, matinding problema naman ang kakulangan ng mga classrooms dahil sa dumaraming bilang ng mga enrollees.

Hindi lang mga guro ang lumilipat sa mga public schools kundi pati nga mag-aaral dahil ang mga magulang nila’y kulang na sa pondong pangtustos sa edukasyon.

Dilemma ang ganitong situwasyon.  Walang magawa ang mga private school kundi magtaas ng matrikula para matapatan ang sahod na ibinibigay ng gobyerno sa mga teacher. Pero sa tuwing magbabalak sila na magpatupad ng tuition fee hike, sinasalubong sila ng protesta.

Hindi naman masisisi ang mga magulang na kinakapos din sa pinansyal. Tumataas ang presyo ng bilihin at serbisyo habang nananatili sa kasalukuyang antas ang suweldo.

Sa isang banda, nagiging mahirap ang kalagayan ng mga estudyante sa mga pampublikong paaralan dahil sa dami ng enrollees. Nagsisiksikan  sa mga silid-aralan na wala namang aircon.  Ewan ko kung paano papasok sa ulo ng mga estudyante ang pinag-aaralan sa ganitong kalagayan!

Sa tingin ko ay hindi naging balanse  ang alokasyon ng pondo ng gobyerno sa edukasyon. Mas binigyang prayoridad ang upgrading ng sahod ng mga guro habang napabayaan ang pagtatayo ng mga silid-aralan.

Magiging mas malaking problema kapag maraming paaralang pribado ang magsisipagsara dahil sa pagkalugi. Napakahalagang sektor pa naman ng edukasyon sa alin mang bansa sa daigdig. Sana ay mahanapan ng solusyon ang problemang ito.

 

EWAN

MAGIGING

MARAMI

NAGSISIKSIKAN

NAPAKAHALAGANG

PERO

SANA

TUMATAAS

WALANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with