^

PSN Opinyon

Ayaw makinig sa Pinoy!

DURIAN SHAKE - Pilipino Star Ngayon

ANG yayabang ng mga dayuhan! ‘Yun ang tanging nasabi ng isa sa mga taong naging parte ng grupo na umahon noong Martes ng gabi sa sumadsad na Cebu Pacific Flight 5J971 A320 jet  dito sa may damuhan sa tabi ng runway ng Davao International Airport.

Dismayado na ang  Davao City local government at maging ang private sector dahil nga sa malaking perwisyo sa ekonomiya dulot ng  mabagal na pagkuha ng A320 jet na nakabaon sa maputik na bahagi ng airport.

Nagbabala na si Mayor Sara Duterte na tawagin lahat ng junk shop operators dito at hayaan silang i-chop-chop ang nasabing eroplano upang mabuksang muli ang operasyon ng Davao International Airport.

Nakatakda na ngang mag file ng complaint si Sara laban sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) southern Mindanao office na namamahala sa Davao airport dahil sa mishandling ng crash ng Cebu Pacific Flight 5J971 noong Linggo ng gabi. Buti na lang at walang namatay sa insidente.

Ngunit heto ang masaklap---ang naging dahilan pala ng mabagal na pagkuha ng A320 jet sa damuhan sa gilid ng runway ay ang pagiging mayabang ng mga banyaga na engineers na mga kasapi ng insurance company na kinuha ng Cebu Pacific.

Hayon sa source ko, ayaw makinig ng mga nasabing dayuhan sa mga suggestions ng mga local groups dito kung paano kunin ang eroplano. Kaya tumagal ng dalawang araw ang pagkatingga nito sa damuhan.

Pinipilit daw ng mga dayuhang engineers na ang gusto nila ang masusunod na palpak naman kaya umabot ng dalawang araw ang pagsara ng Davao international airport.

Ngunit sa huli nanaig pa rin ang mga local retrieval team dahil nga sa bayanihan spirit na pinairal nila at hindi ang kung ano man ang pinipilit ng mga dayuhan.

Sobrang yabang daw talaga ng mga dayuhang engineers at buti na lang laking takot na nila nung nagpasya na si Mayor Sara na tawagin lahat ng mga junk shop operators, mga mambobote at mambabakal para lusubin ang airport at sila na ang magpasya kung paano nila i-chop-chop at ibenta ng por kilo ang eroplano ng Cebu Pacific.

Kaya saludo ako sa ating mga lokal na mga retrieval team dahil nga matagumpay nilang nakuha ang eroplano sa loob lamang ng isa at kalahating oras noong Martes ng hapon at hindi  gaya ng dalawang araw na ginugol ng mga dayuhan sa pag-iisip kung paano gawin ang lahat.

Iba talaga ang Pinoy!

CEBU PACIFIC

CEBU PACIFIC FLIGHT

CIVIL AVIATION AUTHORITY OF THE PHILIPPINES

DAVAO

DAVAO CITY

DAVAO INTERNATIONAL AIRPORT

KAYA

MAYOR SARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->