^

PSN Opinyon

Binata, bumangon ka

GLORIFY THY NAME - Fr. Edd B. Lleva - Pilipino Star Ngayon

“ANONG ikinagagalit ninyo sa akin, lingkod ng Diyos? Naparito ba kayo upang ako’y sumbatan sa aking mga kasalanan at patayin ang aking anak?” Ito ang hinanakit ng isang babaing balo, na ang kanyang inaasahang anak na lalaki ay namatay pa.

Sa unang panahon ang tanging pag-asa ng mga babaing balo ay ang kalinga ng kanyang mga anak, lalung-lalo ang binatang anak.  Kaya hinagpis ng isang balong ina kay Elias na namatay pa ang anak na lalaki na kanyang inaasahan.  Kaya sa laki ng habag ni Elias sa ina ay hindi siya tumigil sa panalangin: “Panginoon, aking Diyos, hinihiling ko po na mangyaring ibalik ninyo ang buhay ng batang ito”.  Nabuhay ang bata. Sinabi  niya sa ina: “Narito ang anak mo, buhay na siya”.

Maging si Pablo ay buong pusong nagpasalamat kay Hesus na nagbigay sa kanya ng panibagong buhay. “Buong lupit kong inusig ang simbahan ng Diyos at sinikap na ito’y wasakin ngunit sa kagandahang-loob ng Diyos, hinirang niya ako bago pa ipanganak, at tina­wag upang maging lingkod niya”. Sa ating pagiging makasalanan ay para ba tayong namatay sa pananampalataya at tanging si Hesus ang nagbibigay sa atin ng panibagong-buhay sa kabutihan at kabanalan.

Napaka-laking hinanakit ng babaing balo sa pagka-matay ng kanyang anak na binata na tanging pag-asa niyang bubuhay sa kanya. Sa makabagong panahon naman ngayon ay tanging ang mga balong ina o kaya naman babaing hiniwalayan ng asawa ang tanging bumubuhay sa mga anak lalung-lalo na sa ating bansa na pahirap nang pahirap ang napakaraming mamamayan at payaman naman nang payaman ang nasa kapangyarihan lalo na ang nasa pamahalaan.

Binuhay din ni Hesus sa ebanghelyo ang binatang namatay na tanging pag-asa ang kanyang balong ina. Ipanalangin din natin kay Hesus si Pilipinas na katulad ng isang balong ina na walang ibang inaasahan kundi si Hesus na magbibigay ng panibagong buhay sa mga batang Pilipino na namatay sa kanilang mga pag-asa upang buhayin ang Inang bansa. Hilingin natin kay Hesus na sabihin kay Pilipinas: “Huwag kang tumangis Binatang Pilipino, bumangon ka”. Dumating sa atin ang isang dakilang prope- ta! Nilingap ng Diyos ang kanyang bayan!”

1Hari 17:17-24; Salmo 29; Galacia 1: 11-19 at Lukas 7:11-17

ANAK

BINATANG PILIPINO

BINUHAY

DIYOS

ELIAS

HESUS

KAYA

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with