Pagpapalakas ng agrikultura at pangisdaan
PATULOY na isinusulong ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada ang pagpapalakas ng agrikultura at pangisdaan ng bansa.
Kaugnay nito, ipinupursige niya ang Senate Bill No. 706 o panukalang Agriculture and Fisheries Extension Act (strengthening the national extension system to accelerate agriculture and fisheries development).
Isinasaad ng panukala na “… the State shall ensure the establishment and development of the agriculture and fisheries extension system that increases and sustains its contributions to the achievement of the goals of agriculture modernization as mandated by Republic Act 8435(Agriculture and Fisheries Modernization Act of 1997).â€
Partikular umanong tututukan ng hakbangin ang Poverty Alleviation and Social Equity; Food Security; Rational Use of Resources and Sustainable Development; Global Competitiveness; at People Empowerment.
Alinsunod sa SB 706, itatatag ang Philippine Agriculture & Fisheries Extension Agency (PAFEA) na magbabalangkas at magpapatupad ng pambansang programa sa pagpapaunlad ng agrikultura at pangisdaan; at mag-i-institutionalize ng mas aktibong partisipasyon ng mga lokal na pamahalaan, pribadong sektor at ng mga mamamayan mismo sa naturang hakbangin.
Magsasagawa ito ng iba’t ibang aktibidad sa pagpapaunlad ng lahat ng aspeto ng agrikultura at pangisdaan, kabilang ang paglinang ng mga teknolohiya at pagtitiyak ng mga pasilidad, technical support at pondo sa produksiyon, pagproseso ng produkto, pagbibiyahe at pagbebenta nito, at pati sa pagpapanatili ng kalidad at kaligtasan ng mga produkto.
Ayon kay Jinggoy, ang agrikultura at pangisdaan ay mga pangunahing laraÂngang pang-ekonomiya ng PiliÂpinas. Ito ang nagsisilbing hanapbuhay ng milyun-milÂyong kababayan at nagtitiyak din ng pagkain at iba pang pangangailangan ng bansa. Kailangan aniyang buhusan ng atensiyon at suporta ng pamahalaan ang sektor na ito.
Umaasa si Jinggoy na ang panukalang Agriculture and Fisheries Extension Act ay makatutulong nang malaki upang ibayong sumigla at lumakas ang nasabing sektor, at magbubunsod naman ito ng pag-unlad ng mga magsasaka at mangingisda pati ng kanilang pamilya, gayundin ng mga lokal na pamahalaan at ng buong bansa.
- Latest