^

PSN Opinyon

Bongbong Marcos for president sa 2016

SABI NI BUBWIT… - Deo Calma - Pilipino Star Ngayon

ALAM n’yo bang may plano na talaga ng “unico hijo” ng dating President Ferdinand Marcos na sumabak sa 2016 presidential race?

 Ayon sa aking bubwit, matapos sabihin ni dating First Lady at ngayon ay re-elected Ilocos Norte Rep. Imelda Romualdez Marcos na plano nilang patakbuhin ang kanyang anak na si Sen. Bongbong Marcos, ito ay kinumpirma naman ng ilan nilang malalapit na supporters. Talagang sabik nang bumalik sa Malacañang si Madam Imeldific.

Ayon sa aking bubwit, ngayong matagal nang inamin ni Vice President Jejomar Binay na kakandidato siyang presidente sa 2016, ito ay pinaghahandaan naman ngayon ng mga Marcos. Sa katunayan, meron na silang binabalak na political organization para maisulong ang presidential bid ni Bongbong. Hindi na Kilusang Bagong Lipunan (KBL) kundi Bagong Bayan Movement (BBM) na puwede ring acronym ng Bongbong Marcos Movement. Wow!

Ang kukuning running mate? Pinag-uusapan pa kung si Sen. Allan Peter Cayetano ng NP, Sen. Bong Revilla ng Lakas-CMD o si Sen. Chiz Escudero.

Ayon pa sa aking bubwit, sila sa grupo ng mga Marcos ay naniniwala sa kasabihang “history repeats itself.” Kung nagkaroon daw ng presidente na father and daughter (Diosdado at Gloria Macapagal Arroyo). Presidente na mother and son (Corazon at NoynoyAquino) sa 2016 ay magkakaroon naman daw ng Father and Son na presidente (Ferdinand at Bongbong Marcos Jr.)

 

 

ALLAN PETER CAYETANO

AYON

BAGONG BAYAN MOVEMENT

BONG REVILLA

BONGBONG MARCOS

CHIZ ESCUDERO

FATHER AND SON

FIRST LADY

GLORIA MACAPAGAL ARROYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with