Komedyang bastos!
SANA magkaroon ng isang organisasyon ng mga ko-medyante na magpaparusa sa mga comedians na nambabastos sa ibang tao. At sana rin, yung mga kompanyang konektado sila ay umaksyon kapag mali ang kanilang ginagawa. Kung hindi naman, sana’y magkaroon ng batas na magpaparusa sa mga komedyanteng manlalait ng ibang tao. Ewan ko kung puwedeng masakop ng libel ang ganyan.
Sabagay lahat ay nagkakamali. Pero kapag hindi nirenÂdaÂhan ang mga pagkakamali, aakalain ng mga komedÂyante na tama ang kanilang ginagawa.
Talk of the town ngayon ang comedy line ng sikat na komedyanteng si Vice Ganda na sa ginawang concert ay ininsulto ang TV anchor na si Jessica Soho. Masyadong personal ang panlalait at hindi ko na uulitin dahil batid na ng marami. Naibalita na ito sa mga pahayagan, radyo at telebisyon.
Marahil inaakala ni Vice na may lisensya siyang gawin ito dahil isa siyang celebrity at bahagi ng trabaho niya iyan. Maling, maling mali! Sumikat ka nga at yumaman pero maaatim mo ba na sa bawat sentimong kinikita mo ay may tao kang ininsulto?
Hindi ko malaman kung bakit nauso ang tinatawag ng mga bakla na pang-ookray. Kung may nagkakagusto, mas marami ang naiinsulto. Halimbawa, kahit hindi ka kilalang tao kapag medyo pandak at mataba ay tatawaging mukhang palaka o mukhang penguin. Walang sinasanto basta’t makapagpatawa lang.
Sasabihin siguro ng komedyante na kahit sarili niya ay nilalait niya naman. Tulad ni Vice Ganda na sumikat dahil kinikilala niya na siya’y mukhang kabayo. Kung mara-ngal kang tao, igagalang mo ang ibang tao at bayaan mo na lang ang sarili mo ang magmukhang katawa-tawa. Diyan ko hinahaÂngaÂÂÂan ang yumaong comedy king na si Dolphy. Iniinsulto rin niya si PanÂchito at Babalu na kasama niya sa eksena pero never siyang nanlait ng nanonood. Sabi nila, comedy is trageÂdy. Halimbawa, habang nagÂÂlalakad si Charlie Chaplin ay nadulas sa balat ng saging, yung trahedyang sinapit niya ay katatawanan sa mga nanonood. Pero kung ang trahedya ay ipataÂtama mo sa mga audience mo, baka makatagpo ka ng pikon at barilin ka pa. Tayo ba’y tumatanda nang paÂurong? Ako’y hindi galit sa bakla pero kahit tunay na lalaki o babae, kapag bastos ay dapat kagalitan talaga!
- Latest