^

PSN Opinyon

Mas masasama

K KA LNG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

MAY mga negosyante na walang iniisip kundi kumita lamang. Hindi na bale kung peligroso ang produkto, basta mabenta lamang at maibulsa na ang kita. Alam natin na ganito ang mga nagbebenta ng mga iligal na droga. Hindi na bale ang maging adik ang mga bumibili o kaya’y mamatay pa, basta maging pera na muli ang kanilang mga pinuhunan. Alam natin na mga masasamng tao ito, dahil lason ang kanilang tinutulak. Pero may iba, hindi nga iligal na droga ang binebenta, kundi luma o pasong gamot ang kalakal.

Nasabat ng Bureau of Customs – mabuti naman – ang isang container na naglalaman ng mga expired na gamot. May mga gamot pa nga na nasa mga drum-drum, para maibenta na lang ng tingi o pira-piraso. Ni walang tatak, walang mga selyo, walang mga balot. Karamihan ay mga gamot para sa altapresyon, mataas na cholesterol, bitamina at sakit ng katawan. Mabuti sana kung may epekto pa ang mga gamot na ito, pero dahil expired na, hindi na ito matitiyak. Kaya ano ang mangyayari sa mga iinom ng mga ito, kung sakali. Mga akala na bababa na ang kanilang altapresyon, bababa na ang kanilang cholesterol, magkakalunas ang sakit ng katawan, at lulusog dahil sa bitamina. Ano naman ang peligro kung hindi nga naging mabisa ang mga gamot, nang hindi nila alam? Baka inatake na at lahat.

Isang container lang ang nasabat. Hindi pa masigurado kung may nakalusot at nasa merkado o pamilihan na ang mga masasamang gamot. Kaya pinapayuhyan ang lahat na mamili lamang ng mga gamot sa mga kilalang botika, at tiyakin na hindi expired at nasa mga tamang lalagyan at balot, na may kaukulang impormasyon tungkol sa gamot. Isinabatas ang Cheaper Medicines Law para nga mabili ng mamamayan ang mga kinakailangang gamot. Pero may mga negosyanteng hindi natutuwa sa kanilang kinikita dahil sa batas, kaya ganitong klaseng mga gamot ang pinapasok sa bansa. Dapat matukoy kung sino ang mga ito, at kasuhan at ikulong dahil sa kanilang krimen. Wala na silang pinagkaiba sa mga naglalako ng iligal na droga, dahil parehong nakakasama sa tao ang kanilang mga kalakal. Para sa akin, mas masama pa nga ang mga ito dahil ang paniniwala ng mga bibili ay gagaling sila, pero kabaliktaran ang mangyayari.

 

ALAM

BUREAU OF CUSTOMS

CHEAPER MEDICINES LAW

DAHIL

GAMOT

KANILANG

KAYA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with