^

PSN Opinyon

Si Mayor Erap at ang Maynila

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada - Pilipino Star Ngayon

MATATAG ang deklarasyon ni Mayor Erap Estrada na ipupursige niya ang pagpapaunlad ng Maynila at ang buhay ng mga Manilenyo.

Matatandaang inilahad niya noong panahon ng kampanya ang misyon niya na gawing “first class city” ang Maynila.

Aniya, “Sisikapin ko na matupad sa lalong mada-ling panahon ang urban renewal para sa Maynila. Ang unang hakbang ko upang makamit ito ay ang pagkakaroon ng peace and order sa Maynila dahil anumang bayan o lungsod, lalawigan o bansa, ay hindi uunlad kung walang kapayapaan. Sisiguruhin ko na maibabalik natin ang sigla ng Maynila at maitataas ang antas ng kabuhayan ng masang Pilipino sa lalong madaling panahon.”

Napaka-praktikal ang istratehiya niya na tiyakin ang kapayapaan at kaayusan sa lungsod upang pumasok ang mga negosyante, lumakas ang economic activity, dumami ang mga trabaho, at maging produktibo, ligtas at maunlad ang buhay ng mga residente. Ito ay isa lang sa kanyang 10-point program na magsisilbing gabay ng kanyang paglilingkod.

Narito muli ang 10-point program ni Mayor Erap upang mabatid ng lahat ng Manilenyo:

1. Pabahay sa loob mismo ng Maynila para sa mga informal settler;

2. Karagdagang mga trabaho at proyektong pangkabuhayan;

3. Programang medikal at pangkalusugan lalo na ang pagsugpo sa AIDS/HIV at TB;

4. Programang pang-edukasyon sa lahat ng antas na abot-kamay lalo na ng mahihirap;

5. Kamay na bakal ng batas laban sa kriminalidad;

6. Proteksiyon, kaligta­san at kapakanan ng mga kaba­taan, kababaihan at Senior Citizens;

7. Programang pang­kalinisan para sa mga luntiang kapaligiran at was­­­ tong pagtatapon ng basura;

8. Pagpapasigla at pagpapaunlad ng mga pami-lihan, pantalan (seaports) at tourist spots.

9. Pagsugpo sa lahat ng uri ng korapsyon at pagpapatupad ng lantad na koleksyon ng buwis at gastusing pampubliko (transparency in governance); at

10. Emergency Res­ponse Action Program (ERAP) para sa mga sakuna at kalamidad.

Aniya, ang mga ito ay mabilis matutupad sa pa­mamagitan ng pagtutulu-ngan ng iba’t ibang sektor at ng mga mamamayan mismo ng lungsod.

Mabuhay ang Maynila!

 

ACTION PROGRAM

ANIYA

EMERGENCY RES

MANILENYO

MAYNILA

MAYOR ERAP

PROGRAMANG

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with