Luma, bagong mukha ng mga pulitiko sa Mindanao
HINDI naman gaano karami ang mga bagong mukha na pumasok sa pulitika sa Mindanao nitong nagdaang midterm elections. Karamihan nga ay mga lumang pulitiko na nagbabalik lang at iba naman ay nagsimula sa ibang posisyon at nakipag-swap lang sa kanilang mga kaalyado at maging mga kapamilya lang din.
Dito sa Davao City, hindi pa rin natatalo si Vice Mayor Rodrigo Duterte sa kanyang political career na may higit 20 years na rin siyang naninilbihan bilang local na opisyal, pitong termino bilang city mayor at tig-isang taon bilang vice mayor noong 2010 at congressman noon 1998.
Naging unopposed si Duterte at ang kanyang anak na si Paolo na tumakbong bilang vice mayor nitong May 13 na halalan.
At re-elected naman lahat ng kongresista sa tatlong distrito ng Davao City na sina Karlo Alexei Nograles, Mylene Garcia at Isidro Ungab para sa first, second at third district, respectively.
Sina Davao del Norte Gov. Rodolfo del Rosario, Davao Oriental Gov. Cora Malanyaon at Compostela Valley Gov. Arthur Uy ay nanatili sa puwesto dahil pareho naman silang tatlong tumakbong unopposed.
Si dating Davao del Sur Gov. Claude Bautista ay tinalo naman si Davao del Sur Rep. Marc Cagas sa pagkagobernador sa nasabing probinsiya. Natalo rin ni incumbent Mayor Joseph Penas si incumbent Gov. Douglas Cagas sa pagka-mayor ng Digos City.
Hindi rin nagtagumpay ang anak ni incumbent Mayor Rey Uy na si Oyo sa nais nitong maging mayor ng Tagum City, Davao del Norte. Tinalo ni vice mayor Allan Rellon ang anak ni Uy sa nasabing puwesto.
Si General Santos City Mayor Darlene Antonino-Custodio ay tinalo ni Rhonnel River sa pagka-mayor ng nasabing lungsod sa katimugan. Tinuldukan ni Rivera ang may 27 taon na pamamayagpag
At sa Mati City, Davao Oriental naman ay nanalo si Carlo Rabat sa pagka-mayor laban sa kanyang pinsan na si Michelle Rabat na incumbent mayor.
Sa Cagayan de Oro City ay magwagi bilang city mayor si dating Misamis Oriental Gov. Oscar Moreno laban sa kanyang katunggaling si incumbent Mayor Vicente Emano.
Si Autonomous Region for Muslim Mindanao (ARMM) officer-in-charge Mujiv Hataman naman ay nanalo sa kanÂyang pagnanais na maging official na talagang gobernador ng ARMM noong nagdaang halalan.
Si incumbent Maguindanao Gov. Esmael ‘Toto’ Mangudadatu’ naman ay nakakuha ng panibagong mandato bilang gobernador ng kanilang lalawigan.
Ngunit kahit sino pa man ang mahalal sa iba’t ibang puwesto sa Mindanao, kailangang tutukan ang mga mahalagang bagay na nakakaapekto sa mga mamamayan nito—gaya ng kahirapan at peace and order.
Alalahanin lang sana nila na karamihan sa mga sinasabing ‘poorest provinces’ sa bansa ay nasa Mindanao. Kailangan doble-kayod ang ating mga bagong halal na mga opisyales upang mabura ang mga nasabing lalawigan sa Mindanao sa ‘poorest’ list.
Napakayaman ng Mindanao sa natural resources at ito na tinaguriang ‘food basket’ ng Pilipinas ngunit paanong naging ‘poorest provinces’ ang karamihan sa mga localities nito?
- Latest