Tagapagmana, naghabol sa lupang naremata (Huling bahagi)
NARITO ang kasagutan sa kasong tinalakay kahapon.
Mali ang GSIS na humihiling na baliktarin ng Supreme Court ang desisyon. Hindi naman daw makatarungan ang naging desisyon ng korte. Kapag hindi raw binuksan muli ang kaso, magkakaroon nang malaking lamang ang kanilang kalaban dahil yayaman ito ng walang dahilan. Hindi rin makatuwiran sa batas ang mangyayari sabi ng GSIS.
Isang hindi mababaling doktrina natin ay tungkol sa batas ng isang pinal na desisyon o ang tinatawag na “rule on finality of judgmentâ€. Ang tangi lamang maitatama sa mga pinal na desisyon ay ang pagkakamali sa pagmamakinilya ng detalye (clerical errors) kung saan nagkakaroon ng desisyon na tinatawag sa latin na “nunc pro tuncâ€.
Walang nagiging epekto sa pagbabago ng ganitong desisyon. Tama naman dahil kung may karapatan ang natatalo na umapela sa kaso, may karapatan din ang nananalo na makinabang sa pagiging pinal ng desisÂyon ng korte. Dapat talagang magkaroon ng takdang panahon o oras kung kailan magiging pinal ang desisyon ng korte.
Sa kasong ito, walang kahit anong sirkumstansiyang maipakita ang GSIS kung bakit dapat pagbigyan ng Supreme Court ang petisyong isinampa nito. Hindi simpleng pagkakamali sa makinilyadong detalye ang gustong mangyari ng kompanya. Imbes ay ipinabubuksan ng GSIS ang isang matagal na tapos na kaso. Hinihingi nito sa Supreme Court na hayaan magsumite sila ng panibagong ebidensiya na dapat ay isinumite nito bilang depensa noon pa mang nililitis ang kaso. Ang desisyong gustong baguhin ng GSIS ay hindi nga binaliktad kundi pinanigan pa ng Supreme Court. Ang gustong mangyari ng GSIS ay mapawalang-bisa ang isang desisyon na nanggaling sa korte, umakyat sa CA at umabot na hanggang Supreme Court. Hindi ito magagawa kung ipinapatupad na ang nasabing desisyon. Kahit pa sabihin na nakasalalay dito sa kaso ang pondo ng mga kawani ng gobyerno na dapat bigyang pabor ng batas. Kahit pa nanganganib na mabangkarote ang GSIS at wala na itong maibayad sa pensiyon ng mga kawani ng gobyerno, hindi naman nito puwedeng talikuran ang obligasyon nito sa batas. Ang pinag-uusapan dito ay tungkol din sa karapatan ng isang mamamayan (GSIS vs. RTC Pasig and Santiago, G.R. 175393; GSIS Lavina et. Al., G.R. 177731, December 18, 2009).
- Latest