Abante
ISANG tulog na lang mga suki at huhusgahan na ng samba-yanang Pilipino sa pamamagitan ng kontrobersyal na PCOS machine ang 12 senador at local officials. Kaya sa ngayon pa lang ay hindi na halos makatulog ang ilang kandidato na may sablay sa lipunan at ang ilan pa nga sa mga ito ay gumagawa na nang di-kanais-nais na hakbang upang makuha ang boto ng mga botante. Subalit kaakibat na sa elekyon na ibuking ang kanilang mga tagong yaman at kaugalian mula nang sila ay sumabak sa pulitika at oras na natapos na ang kanilang termino, dito na lalabas ang kanilang masalimuot na buhay . Katulad na lamang sa mainit na isyung ipinadala sa akin tungkol sa Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN).
Papaano kaya ipaliliwanag ni dating congressman Benny Abante kung ang taong ang tanging naging trabaho sa labas ng Baptist Church ay collector ng isang taon at office auditor ng anim na taon ay makakalikom nang napakaraming kayamanan? Sa mga trabahong ito, imposible umanong ang P18 milyong yaman ni Abante noong 2004. sa Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALn) ng mga pulitiko sa kasalukuyan, ang SALN ni Abante na nakalap ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) at naisa-publiko sa internet, ang dapat busisiin.
Sa anim na taon ni Abante sa Kongreso, sumuweldo siya ng P3,459,744, sa 3 taon sa Konseho ng Maynila na P891,072, at sa PCUP na P1,002,312, kumita si Abante ng kabuuang P5,353,128 sa panunungkulan niya sa gobyerno mula 1992. Nakalikom siya ng P15,904,611 ari-arian sa 12 taong panunungkulan sa gobyerno. Kung isasama ang personal na yamang naipon niya na P7,342,855, aabot sa P23,247,466 ang naipon niyang kayamanan ang kabuuan. Ibawas man ang sweldong kinita niya sa gobyerno na 5,353,128, mahirap pa ring hanapan ng paliwanag ang sobrang P17,894,338 sa SALN niya dahil walang pastor ng Baptist Church na kumikita ng ganoon kalaki. Matapos manungkulang konsehal ng Maynila, nakabili si Abante ng lupa sa Binangonan, Rizal sa halagang P902,700.00 at donasyong lote sa Muntinlupa na nagkakahalaga raw ng P95,000.00 noong 1994, isang house & lot sa La Marea San Pedro, Laguna sa halagang P3,285,940 at lupa sa Tangkawayan, Quezon sa halagang P55,000 daw noong 1996 habang siya ay Commissioner ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) kahit wala siyang binayarang buwis ng taong iyon. Nasa SALN niya ang mga nabanggit na pag-aari. Ayon sa nakalap na dokumento mula sa isang pinagkakatiwalaang source sa BIR na humiling ng anonymity, noong 1998, habang Commissioner pa rin siya ng PCUP, itinatag ni Abante ang kanyang Hiddekel Springs Water Refilling at Safe Save & Sound Pharmacy & Gen. Merchandise matapos niyang umalis sa PCUP noong 1999. Hindi isinama ni Abante ang dalawa niyang negosyo sa 2004 SALN. Noong 2000, bumili si Abante ng lupa sa Kawit, Cavite na nagkakahalaga ng P335,971.00 mamahaling kotse na Jaguar na P3.5 milyon ang halaga, isang Honda Civic sa halagang P678.691.00 at isang mamahaling condominium sa Ayala sa halagang P11.2 milyon at isang Izuzu Crosswind sa ha-lagang P1,025,736 noong 2003 bago siya naging congressman.
Kayong mga ambisyosong pulitiko ilahad na ninyo ang tunay ninyong yaman ng hindi kayo abutin ng delubyo sa buhay.
- Latest