^

PSN Opinyon

Taliwas na katapusan sa dalawang sakdal

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

KAHANGA-HANGA ang sinop ng imbestigasyon ng Department of Justice sa tax evasion ni sinibak na chief justice Renato Corona. Ipinahanap nila sa National Bureau of Investigation kung anu-anong kita at ari-arian ang taon-taon na hindi niya isinama sa kanyang Statements of Assets, Liabilities and Net Worth. Batay dito, ipinakwenta nila sa Bureau of Internal Revenue kung magkano ang iniwasan niyang buwis: P120,498,219.52. Sinuri nila kung ano’ng mga probisyon ng National Internal Revenue Code ang nalabag: Section 254, tax evasion, at Section 255, sadyang pagdo-doktor ng income tax returns. Hiningi nila ang panig ni Corona. Nang mapansin nilang puro ito palusot, hinabla nila siya. Bukod sa pagbayad ng pagkakautang na mahigit P120 milyon, maaring pagmultahin pa siya at kulungin nang 10 taon.

Palakpakan ang investigative panel na pinamunuan ni senior assistant state prosecutor Rosanne Elepaño-Balauag.

Kalunus-lunos ang paghawak ng DOJ at ng Ombudsman sa kasong plunder ng mga dating Armed Forces chiefs, mga comptrollers nila, at iba pang generals at colonels. Nasayang tuloy ang pagmamalasakit nina dating AFP budget officer Col. George Rabusa at dalawa pang middle officers. Hinalungkat ng tatlong whistleblowers ang files ng AFP Finance Center, at inipon ang ebidensiya ng plunder. Ibinunyag nila ito sa Senado (kaya nagpakamatay si dating defense secretary Angelo Reyes nang masangkot). Isang pickup truck ng papeles ang nilahad nila sa DOJ, para pagtulungan ng Ombudsman na suriin. Makalipas ang dalawang taon, sabi ng government prosecutors na hindi sapat ang ebidensiya. Pero ni hindi nila kinausap sina Rabusa. Nilaglag nila ang kaso; samantala, nagdadalawang-isip na ang whistleblowers.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]

ANGELO REYES

ARMED FORCES

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

DEPARTMENT OF JUSTICE

FINANCE CENTER

GEORGE RABUSA

LIABILITIES AND NET WORTH

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NATIONAL INTERNAL REVENUE CODE

NILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with