^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Hindi masolusyunan ang grabeng trapik

Pilipino Star Ngayon

PROBLEMA pa rin ang trapik sa Metro Manila. At wala namang maibigay na pangmatagalang solusyon ang pamahalaan kung paano ito mapapagaan. Ngayong panahon ng election, lalo pang tumindi ang trapik dahil sa kaliwa’t kanang kampanya.

Noong nakaraang taon, inireport na P137 billion ang nasayang dahil sa trapik. Nakapanghihinayang ang halagang iyon na sana ay nagastos na lang sa mga pangunahing pangangailangan ng mamamayan kagaya ng pagpapaospital o pagpapagamot. Malaking tulong sa mahihirap ang bilyones na nasayang.

Kung noong nakaraang taon ay malaking pera ang nasayang, maaaring ngayong taon na ito ay malaki rin ang nawaldas dahil sa trapik. Mas lumubha ang trapik ngayon kumpara noong nakaraang taon. Sa EDSA ay walang pagbabago at lalo pang naging bumper-to-bumper ang mga sasakyan. Ang dating isang oras na biyahe mula Monumento hanggang Pasay ay inaabot ngayon ng dalawang oras. Sa Aurora, Cubao, ay walang pagbabago sapagkat maraming bus na nakahambalang sa gitna ng kalye. Wala namang kakayahan ang Metro Manila Development Authority (MMDA) na suwetuhin ang mga sutil na bus driver. Noon pa problema ang mga bus na nagbaba at nagsasakay sa gitna ng kalsada pero hindi kayang itaboy ng mga traffic enforcers. Maaaring “nag-aabot” sa mga tiwaling enforcers kaya nagagawa ang gusto nila sa kalsada.

Lumutang ang plano ng DOTC na paglalagay ng dalawang bus terminal sa south at isang bus terminal sa north. Hindi na umano makakapasok sa Metro Manila ang mga bus na galing probinsiya na humigit-kumulang ay 8,000. Maganda sanang ideya ito kung maisasakatuparan. Ang hirap sa mga opisyal ng pamahalaan, maraming plano pero walang aksiyon.

Bakit hindi paigtingin ang paghuli sa mga colorum na bus para lumuwag ang trapik. Kung mawawala ang mga colorum sa EDSA, mababawasan ang trapik at wala nang masasayang na bilyong piso.

BAKIT

BUS

CUBAO

LUMUTANG

MAAARING

METRO MANILA

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

SA AURORA

TRAPIK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with