^

PSN Opinyon

Mga batang palaboy

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

ANO’NG kinabukasan ng mga dumaraming batang luma­laboy sa lansangan? Naging bahagi na sila ng ating buhay kaya parang tanggap na natin ang kanilang paglipana. Nariyan sila sa mga intersections at kapag nag-stop ang traffic light, kakaripas ng takbo patungo sa mga sasakyan. Nag-uunahan sa  baryang pantawid gutom mula sa mga motorista. 

 Ayon kay Cagayan Rep. Jackie Enrile na tumatakbong senador sa bandila ng UNA, dapat tutukan ng pamahalaan ang problemang ito. Bukod sa mga pangangailangan ng mga magsasaka at mangingisda, nais ding maasikaso ni Jack ang kapakanan ng mga batang ito.

 Ang problema ng kahirapan ay nagbubunga ng pagkagutom na ramdam ng milyon-milyong kababayan natin at ang matinding nagdurusa ay mga musmos. Kung matutupad ang adbokasyang food security, mga bata ang unang makikinabang. Dapat talaga, walang nagugutom na Pilipino sa sariling bansa na sagana sa likas na kayamanan.

 Bilang Kongresista sa Mababang Kapulungan, nilagdaan ni Jack ang Food for Fililpinos First Act. Itinatadhana nito ang pagpapalusog at pagpapasigla ng ating agrikultura. Sa ganito’y mapapataas ang food production para sa buong populasyon ng bansa na halos 100 milyon na. 

 Kalunus-lunos na dahil sa kahirapan, pati ang mga menor de edad ay napipilitang kumayod imbes na mag-aral.  Kadalasan pa nga, nagiging istambay ang mga batang ito na nalululong sa masamang bisyo at nasasangkot sa krimen.  Yung iba naman ay nangangalahig ng basura o kaya’y nagpapalimos.

  Ani Jack, dapat tutukan nang husto ng pamahalaan ang ugat ng problemang ito lalo na’t ang nagiging biktima ang mga tinuturing nating pagasa ng bayan.  Dapat silang bigyan ng di­sente at ligtas na pamu­muhay, ng wastong edukasyon at pag-aaruga upang silay’y maging ka­paki-pakinabang at may silbi sa kanilang paglaki.

 Wala naman sigurong kukontra sa layuning ito ni Enrile.

ANI JACK

BILANG KONGRESISTA

CAGAYAN REP

DAPAT

FILILPINOS FIRST ACT

JACKIE ENRILE

MABABANG KAPULUNGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with