‘Tansong kinakalawang’
ISANG rolyo, katumbas ng isang taon…
Kung mababalik lang ang ikot ng tansong kable na umano’y binenta ng 13 Pinoy Workers sa Doha, Qatar ‘di sana katimbang ng tagal nila sa kulungan ang haba ng napulupot na ‘copper wires’.
Maaalalang magkasunod naming naitampok sa aming pitak sa CALVENTO FILES ang kalagayan ng 13 Overseas Filipino Workers (OFW’s) sa Doha, Qatar. Pinamagatan namin itong, “Silent Christmasâ€, “Mga Luha sa Doha†at “Ayos Langâ€.
Mula ng makulong sa Umm Salal Jail ang mga Pinoy Workers kabilang sina George Santiago, Virgilio at ‘Jojo’ Yumol, pabalik-pabalik na ang asawa ni George na si Marilyn o “Malen†at misis ni Jojo na si Analea o “Leaâ€.
Ika-18 ng Oktubre 2010, nang makatanggap ng tawag si Lea na nakakulong na ang asawa sa Doha dahil sa pagbebenta ng ‘copper wires’ sa Alpha Beton Ready Mix Co. WLL- kanilang kumpanya.
Mabilis na tinanggi ng mga Pinoy-workers ang akusasyon. Ayon sa kanila, inutusan lang sila ng kanilang ‘engineer’ na ibenta ang mga kable sa ‘junk shop’. Hanggang isang araw nahuli na lang sila.
Agad silang ikinulong at kinasuhan ng Theft. Buwan ng DisÂyembre ng muling magkausap si Lea at ang asawa. Pakiusap ng mister, tulungan silang mga Pinoy roon kaya’t nagpunta sa aming tanggapan sina Lea.
Itinampok namin siya CALVENTO FILES sa radyo. “Hustisya Para Sa Lahat†ng DWIZ882 KHZ (Lunes-Biyernes 3:00-4:00PM at Sabado 11:00-12:00NN).
Tinutukan namin ang kasong ito. Ipinaabot namin kay Usec. Rafael Seguis ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang problema ng ating mga kababayan sa Doha. Mabilis ang naging aksyon ni Ambassador Cres Relacion ng Qatar sa pagbigay ng mga impormasyon sa kasong kinasangkutan nila George, Jojo at iba pang Pinoy. Pinarating sa amin ni Amb. Relacion, na meron ng abogadong inatasan para sa mga Pinoy.
Matapos naming isulat ang istorya nila George at Jojo. Ang mga kaanak naman ng iba pang mga bilanggo sa Um Salal ang nagsadya sa amin. Ang ina ni Ranel Nacor na si Remedios “Remyâ€.
Bitbit ni Remy ang sulat pirmado nila Pascual Haban, EdilÂberto Pabilan, Romeo Labador, Arvin Magsanoc, Butch Cabanilla, Jaime Ebrada at Ranel.
Ayon sa kanila, nagkaroon na ng pagdinig sa kasong ‘theft’ na sinampa sa kanila. Apat sa kasamahan nila ang nasentensyahan ng isang taong pagkakakulong- sina Edgar Flaminiano, Issas Demisana, George at Jojo. Wala daw abogado sa mga pagdinig kaya’t muli silang lumapit sa amin.
Inemail namin kay Amb. Relacion ang sulat nila Ranel. Sagot sa amin ni Amb. Relacion, hindi totoong ‘di sila inaasistehan ng abogado dahil si Atty. Noorah Sarhan ng Department’s Legal Assistance Fund ang kanilang inatasan. Maliban sa abogado, nandun din si Mr. Nasser Macarimbang, ‘staff ng embahada na magaling magsalita ng Arabic para sila’y tulungan.
Sinusubukan daw nilang pababain ang kanilang sentensya.
Ang hatol, isang taon para sa isang count ng theft. Tatlo sa kanila ang nasentensyahan ng isang taong pagkakakulong (1 count of theft). Ang iba nasa 9 counts.
Patuloy ang naging usad ng kaso ng 13 na OFW’S. Muli kaming nakatanggap ng email galing kay Amb. Relacion. Sinunud-sunod naging takbo ng kaso: May 21, 2011- pumunta sa pagdinig si TIW Nasser Macarimbang, pinaalam ni Khalid Al-Dhahan, arresting officer sa Korte na ang mga akusado (kabilang ang anim pang ibang lahi) ay inaming kumuha ng copper cable wires.
Nobyembre 2010, pa lang inamin na daw ng mga Pinoy ang kinaso sa kanila nang bisitahin sila ni Vice Consul Segarra sa Ak Khor Jail.
Ang mga impormasyong ito ay base sa ‘report’ na pirmado ni Charge’d d affaires Jabbar M. Adiong. Na siyang madalas na bumibisita sa ating mga kababayan dun.
Matapos ang ilang taon, muling nagbalik sa amin sina Malen at Lea. Kasama nila ang ina ng isa ring bilanggo na si Rosita Haban. Ang anak niyang si Pascual Haban mas kilala sa tawag na “Jun†ay sampung taong pagkakakulong ang dapat bunuin dahil sa 10 counts theft.
Ang asawa ni Malen ay nasentensyahan ng pitong taong pagkakakulong habang walong taon naman ang sa asawa ni Leah. Katanungan nila, may legal na hakbang pa ba silang maaÂring gawin para mapababa ang hatol kina Jun.
Ayon kay Malen tatlo sa bilanggo ang nakauwi na kabilang sina Jaime, Romeo at Idel at may isa pang pauwi ngayong taon.
“Ilang taon na rin namin silang ‘di kapiling. Sana po makauwi na rin sila,†pahayag ng ina ni Jun.
Muli naming itinampok sa aming programa sa radyo ang problema nila Rosita, Malen at Leah.
PARA SA AGARANG TULONG, kinapanayam namin si Usec. Seguis. Direstong sinabi ni Usec. Seguis na hindi nila maaring diktahan ang batas ng Qatar. Naipaliwanag na naming nung una kina Malen na merong tinatawag na ‘Sharia Law’ o ‘Islamic Law’ ang mga bansa sa Middle East gaya ng Qatar.
Saklaw nito ang pagsentensya sa isang akusado depende sa laki ng atraso nito sa isang biktima o sa kanilang batas.
Dagdag pa ni Usec. Seguis, kadalasan sa mga ‘private complainants’ dahil pribadong korporasyon, ang hatol ay nasa hustisya ng Doha. Maliban na lang kung ito’y ‘public offense’ na minsan pwedeng magbigay ‘blood money’ (tanazul). Para alamin ang ‘update’ ng kaso ng 13 Pinoy Workers iniemail naming muli kay Usec. Seguis ang mga impormasyon.
SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, nakatanggap kami ng sagot nung Abril 25, 2013 galing kay Mr. Melvin Almoguera, Vice Consul ng Assistance to National Units (ANU)-Philippine Embassy, Doha, Qatar.
Pinarating sa amin ni Mr. Almoguera na 10 sa 14 na OFWs ang nahatulan na ng sentensya ng Qatari Courts. Tatlong OFWs na hinatulan ng 3-taong pagkakabilango ang pinayagang makalabas ng mas maaga. Kasalukuyan na silang nasa ‘deportation center’ at naghihintay na lang makabalik sa Pilipinas.
Para rin sa kaalaman ng mga lumapit sa amin, si Yumol ay nahatulan ng 10-taong pagkakakulong sa Central Jail, 8-taong naman si Haban at 7-taong si Santiago. Hindi sila kabilang sa mga mapapauwing bilanggo na may sentensya lang na tatlo hanggang apat na taon. Kasalukuyan pa ring tinitingnan ni Atty. Osama Abdullah Abdulghani ang kanilang kaso at ginagawa ang lahat para maibaba ang sentensya sa kadahalinan na sila’y naging mabuti naman habang sila’y nasa piitan at walang ‘violations’ na nagawa habang sila ay naka- ‘detain’.
(KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL) Ang aming numero 09213263166 (Chen)/09213784392 (Pauline)/09198972854 (MoÂnique). Landline 6387285 at 24/7 hotline 7104038. Address: 5th floor CityState Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig City.
Follow us on twitter: Email: [email protected]
- Latest