Pagkaing pampapayat (Part 1)
ALAM natin na kailangan mag-ehersisyo para pumayat. Pero alam ba ninyo na mayroong mga pagkaing makatutulong sa pagpapapayat? Oo, heto ang pagkain na dapat nating piliin. Pero huwag din sosobra ang kakainin.
Gulay at ensalada -- Ayon sa isang pagsusuri na ipinalabas sa Journal of the American Dietetic Association, ang mga taong kumain ng ensalada ay may mas mataas na lebel ng anti-oxidants sa kanilang dugo. Mataas sa fiber ang gulay, kaya ito nakabubusog sa kaunting calories lamang.
Suha at grapefruit -- Ayon sa mga dalubhasa ng Louisiana State University, ang pagkain ng grapefruit 3 beses sa maghapon ay nakapapayat ng 4 pounds sa loob ng 3 buwan. Ang suha natin ay kapamilya ng grapefruit sa America. Ayon sa mga researchers, ang acid ng grapefruit ang tumutulong sa pagpapabagal ng digestion, kaya tayo mas nabubusog.
Mansanas -- May kasabihan na “An apple a day keeps the doctor away.†Ayon sa scientists ng Penn State, ang mga taong kumain muna ng isang mansanas bago mag-tanghalian ay nakabawas ng 187 calories sa dami ng kanilang kinain. Mabilis silang mabusog sa mansanas dahil ito ay may pectin, isang klase ng fiber na nakabababa ng cholesterol at asukal sa dugo. Tandaan: Para hindi maparami ang iyong kakainin, magmansanas o suha muna.
Peras -- Napag-alaman sa isang pag-aaral sa Brazil na ang mga taong kumakain ng 3 peras bawat araw ay mas mababa ang timbang kumpara sa hindi kumakain nito. Sa katunayan, ayon sa U.S. Food and Drug Association, mas maraming fiber ang peras kumpara sa mansanas, kaya mas kuntento ka dito.
Itlog -- Ang itlog ay masustansya at magandang kainin sa almusal. Sinabi ng Journal of the American College of Nutrition na ang mga taong kumakain ng itlog sa almusal ay mas busog ang pakiramdam sa umaga. Kahit alam nating may kolesterol ang pula ng itlog, puwede pa rin tayo kumain ng isang itlog sa maghapon. Ang payo ng American Heart Association ay limitahan ang pagkain sa isang itlog bawat araw.
Saging -- Sa Japan, nauso ang “Banana-diet†kung saan maraming tao ang pumayat sa diyeta na ito. Sa katuna-yan, may isang Pilipinong exercise instructor ang pu-mayat ng 50 pounds sa pagkain lamang ng saging. Maraming benepisyo ang saging. May sangkap ito na makatutuÂlong sa taong may ulcer (dahil sa flavonoids), nag-e-ehersisyo (dahil sa po tassium) at nalulungkot (dahil sa tryptophan). Ugaliing kumain ng 1 o 2 saging bawat araw. Ito ay gawin ninyong meryenda.
Sa susunod, may iba pang pagkaing pampapayat.
Abangan.
- Latest