^

PSN Opinyon

Aksidente? Preno? Na naman?

K KA LNG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

WALA talagang katiyakan ang buhay. Kahit anong ganda at galing ng iyong plano, maraming puwedeng mangyari para maunsyami lahat iyan. Mga pangyayaring wala kang kinalaman, wala kang kontrol. Dahil na hindi naman lahat ng tao ay kapareho mo mag-isip, magplano, mag-ingat. Kung baga, nakasalalay rin ang buhay mo sa kilos ng ibang tao.

Katulad na lang ng buhay ni Marie Cherrie Inzon na magtatapos na sana ng kolehiyo, puno ng pangarap para sa sarili at kanyang pamilya. Habang nag-aabang ng masasakyan, eto na ang cement mixer na ayon sa mga testigo ay mabilis ang takbo at tila hinahabol ang stoplight. Dahil alanganin na, kinabig ang higanteng trak at dahil na rin siguro sa bilis ng takbo at bigat nito, ay tumaob. At ang natabunan ay si Marie Cherrie. Damay rin ang isang pampasaherong jeepney. Namatay si Marie Cherrie, habang sugatan naman ang walong sakay ng jeepney. Paano ka mabubuhay kung cement mixer ang tumaob sa iyo? Kaya ngayon, naglaho na lahat ng pangarap, plano, pati na rin ang kanyang buhay.

Sino na naman ang sisisihin dito? Ayon sa drayber, hindi raw niya sinasadya at aksidente lang talaga. Maraming cement mixer ang yumayaot sa Metro Manila pero hindi naman tumataob at pumapatay ng tao. Para mapataob ang cement mixer, malamang, mabilis ang takbo. Kaya sino ang sisisihin? Ang dahilan na nawalan ng preno ay gasgas na gasgas na. Kung masama ang kundisyon ng sasakyan, bakit ginagamit? Maaaring makulong ang drayber at mamultahan ang may-ari ng cement mixer.

Kung ako ang tatanungin dapat mawala na sa kalsada ang nasasangkot sa ganyang aksidente! Pero ang buhay ba ni Marie Cherrie ay maibabalik pa? Katulad ng sabi ko, hindi lahat ng plano ay natutupad, dahil may mga drayber na buburahin ang mga ito. May mga sitwasyon na kaya namang kontrolin, pero dahil pinipilit ang mali ay may kabayaran. Ang masama, kadalasan ang nagbabayad nang malaki ay ang naghihintay lamang ng masasakyan sa tabing kalsada.

vuukle comment

AYON

DAHIL

DAMAY

HABANG

KAHIT

KATULAD

KAYA

MARIE CHERRIE

MARIE CHERRIE INZON

METRO MANILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with