‘Street crime modus’
NAGLIPANA ang iba’t ibang modus operandi sa mga lanÂÂsangan partikular sa Metro Manila. Ang mga estilo at estratihiya pare-parehong nakaangkla sa nakikitang oportunidad at desire ng mga putok sa buhong magnaÂnakaw!
Target ng mga hinayupak na kolokoy na makabitag ng mga pobreng indibidwal. Ang kanilang pakay, manlinlang at manlimas ng mga pagkakaperahan. Bagamat walang pinipiling pagkakataon bago umatake ang magkakabagang na mga utak kriminal na ito, lalong pinag-iingat ng BITAG ang publiko ngayong bakasyon.
Pagala-gala lang kasi ang mga galamay ng Zesto Gang, Salisi Gang, Tutok-Kalawit Gang, Ativan Gang, Ipit Gang, Budol-budol Gang, Laslas bag/bulsa Gang. Ipit taxi Gang, Estribo Gang, Bukas Kotse Gang, Dura Gang, Pitas Gang, Laglag Barya Gang, Baraha Gang, Bespren Gang at iba pang mga kauri nito.
Isinasagawa ang kanilang hokus-pokus sa mga matataong lugar tulad ng lansangan, sa mga pampublikong sasakyan, sa mga mall at pati na rin sa simbahan. Para madaling-makaiskor, ang marami nagpapanggap na may dugong intsik “kuno†at magsasalita rin na parang dayuhan para madaling makadawit at makaengganyo ng magogoyo. Hindi pa tamaan ng kulog at kidlat ang mga kawatan na ito para matigil na sa kanilang mga kabuktutan!
Araw-araw, inilalantad ko na sa programa ko ang iba’t ibang uri ng mga modus sa lansangan. Gasgas na nga ito e! Pero marami pa rin sa mga kababayan natin ang nabibiktima! Kuwidaw ka! Dapat laging alerto at matalino. Maging palaÂduda sa mga nagmamagandang-loob na estranghero upang hindi mapasama sa estatistika ng mga nagkakandaipot-ipot na biktima ng mga haragang sindikato!
Abangan sa BITAG ang mas malawak na deskripsyon ng mga modus upang hindi mahulog sa patibong ng mga manggagantso!
Manood at makinig araw-araw sa Bitag Live! sa AKSYON TV Channel 41 at Radyo 5. Pinoy US Cops – Ride Along, Sabado 8:30 – 9:00 at BITAG, 9:15 -10 ng gabi sa PTV4.
- Latest