EDITORYAL - Paliit nang paliit ang mga gubat
IPINAGDIWANG ang Earth Day noong Lunes. Nagkaroon ng mga aktibidad at programa kung paano pangangalagaan ang kapaligiran. Buong mundo ay ginugunita ang Earth Day. Nagsimulang ipagdiwang ang Earth Day noong Abril 22, 1970. Nagkaroon pa ng taunang pagpili ng Earth Day beauties na dito sa Pilipinas ginagawa.
Mahabang panahon na rin na ipinagdiriwang at la-ging nagsasagawa ng mga aktibidad upang maimulat ang mamamayan na mahalin at alagaan ang kapali-giran. Subalit sa kabila ng mga pagsisikap nananatili pa ring nasisira ang kapaligiran. Walang nakikitang pagbabago at lalo pang lumulubha ang water at air pollution, nasisira ang kagubatan at maraming nag sasagawa ng pagmimina at kung anu-ano pang pagsira sa likas na yaman.
Nakahihindik ang inihayag ng isang opisyal ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ukol sa nangyayaring pagliit nang mga kagubatan sa bansa. Ayon kay DENR Undersecretary Demetrio Ignacio, ikalawa ang Pilipinas sa Asia na ma liit na ang kagubatan. Nangunguna umano ang Singapore. Nakadidismaya na 24 percent na lamang ang forest covered area ng Pilipinas. Bukod sa problema ng kagubatan, marami pang problema sa environment ng bansa. Ayon pa kay Ignacio, bagamat mayaman ang mga coral at iba pang yaman ng dagat, nasa panganib din ang mga ito kung hindi mapapangalagaan.
Mawawala nang tuluyan ang mga gubat at pa tuÂloy na malalason ang mga dagat kung hindi magkakaroon nang masinsinang programa at kampanya ang pamahalaan. Sa kabila na ipinagbawal na ng gobyerno ang pagputol sa mga puno, patuloy pa rin ang mga salot na illegal loggers sa kanilang masamang gawain. Ang walang tigil na pagputol sa mga puno ang dahilan kaya may mga pagbaha at pagguho ng lupa. Halimbawa ay sa Mindanao na binabaha sapagkat wala paunti nang paunti ang mga puno sa gubat.
Patuloy din naman ang pagtatapon ng basura sa mga sapa at ilog at iniluluwa sa dagat. Tuwing aapaw ang Manila Bay dahil sa malalaking alon, isiÂnusuka ang mga basura. Kulay itim na ang dagat sa sari-saring basura.
Kamay na bakal ang nararapat para maipatupad ang batas. Kailangang pangalagaan ang bundok, dagat at kalawakan para hindi mamatay ang mundong ito. Magkaisa para labanan ang mga sumisira sa mundo.
- Latest