^

PSN Opinyon

Bata raw ni Lim, ang nasa likod ng bookies ni Pacia?

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

ANG buong akala ng gambling lord na si Delfin Pacia ay “untouchable” na siya. Kapag ni-raid kasi ng CIDG Manila at iba pang unit ang bookies ng karera ni Pacia ay nakakalabas naman ang mga tauhan niya. ‘Yan ay dahil sa sistema na bawas o dili kaya’y tinutubos niya ang mga ito kay Maj. Carlo Manuel, ang CIDG Field Office sa Manila. Kaya ang mga kapwa niya gambling lords sa Maynila ay inggit na inggit sa relasyon ni Pacia kay Manuel. Kung sabagay, maraming pulis na mayroon ding bookies ang naka-umbrella kay Pacia kaya siguro magkasanggang dikit sina Pacia at Manuel. Ano sa tingin n’yo mga suki? Totoo kaya ang balitang kumakalat sa Manila Police District (MPD) na isang alyas Caloy, na bata ni Manila Mayor Alfredo Lim, ang nasa likod ng bookies ni Pacia?

Subalit nagulantang ang mundo ni Pacia noong Huwebes nang salakayin ng Intelligence Unit o I2 ng CIDG ang remittance center nya sa Pandacan. Ang balitang kumakalat sa MPD, ngayon ay na-capture si Pacia, maging ang right-hand man niyang si Ansel at marami pang iba. Sinabi ng mga pulis na kausap ko na dinakma ng raiders pati ang mga balut vendor at mga tambay sa kalye at umabot sa 65 katao ang ikinarga sa isang mini-bus patungo sa Camp Crame. Siyempre mga suki, ang idineklara ng CIDG ay P100,000 lang ang ebidensiyang nakuha nila subalit sinabi ng mga kausap ko na lalampas pa roon ang pitsa dahil nga remittance center ito o base of operation ni Pacia.

Hindi nakasama si Pacia sa mga dinala sa Camp Crame mga suki dahil, ayon sa mga kausap ko sa MPD, sa Pandacan pa lang ay pinakawalan na siya dahil naglagay sa captors niya. Si Ansel naman ay nakalaya na kinabukasan ng madaling araw. Kaya ang mga tauhan na lang ni Pacia at mga vendor at tambay ang nagdurusa ngayon sa Camp Crame. Ang tanong sa ngayon, saan na ang mga pulis na naka-umbrella kay Pacia? Siyempre, si Pacia lang ang nagdurusa, di ba mga suki?

Kung naka-menos man si Pacia sa relasyon niya kay Manuel, dito sa raid na ito ng I2 tiyak susuka siya. Hindi naman kasi biro ang piyansang aabutin niya kapag nag-file na ng kaso ang CIDG raiders sa prose­cutor’s office ng Maynila. Kahit may kon-tak pa si Pacia sa prose­cutor’s office, hindi naman magiging libre ang for sale na “release for further investigation” o RFFI sa korte. Ang pinakamababa diyan, ayon sa kausap ko ay tig-P5,000 bawat isa at malaking kantidad ang mawawala sa bulsa ni Pacia, di ba mga suki?

Kaya pala ni-raid ng I2 si Pacia dahil tinabla niya ang naturang opisina sa lingguhang intelihensiya. Ang nakukuha pala ng I2 sa ibang gambling lords ay P5,000 kada linggo subalit P1,000 lang ang inalok ni Pacia. Hayun...

Si Pacia ngayon ay palaging naka-istambay sa beerhouse sa Ermita na pag-aari ng isang alyas Mar Reyes. Napapalibutan siya ng armadong bodyguard na sa tingin ng mga kausap ko ay mga pulis. Kahit sandamukal pang pulis ang nakapaligid kay Pacia, wala itong ma­gagawa kapag hinuli siya. Dahil ang loyalty ng mga pulis ay sa pitsa niya at hindi mismo kay Pacia, di ba mga suki?

Abangan!

CAMP CRAME

CARLO MANUEL

FIELD OFFICE

INTELLIGENCE UNIT

KAYA

MANUEL

NIYA

PACIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with