Si Oca at Recom
KAPWA ko dating kabarangay sa Morning Breeze Sub., Caloocan sina Caloocan Mayor Enrico “Recom†Echiverri at 1st district Rep. Oscar Malapitan. Pareho ko silang kaÂibigan at sila’y magkaibigan din hanggang sa pasukin ang magulong larangan ng politika.
Ngayo’y sumasabak sa pagka-Kongresista si Recom at si Oca ay tumatakbo sa pagka-Mayor ng lungsod na ang kalaban ay ang anak ni Recom na si RJ. Ang katunggali naman ni Recom sa congressional race ay ang anak ni Oca na si Along Malapitan. Malakas ang dating ni Oca sa mga botante dahil sa kanyang “Mr. Clean†image.
Pero kamakailan, sa aming lugar sa Sunriser Village sa Novaliches, Caloocan ay may mga namudmod ng mga photocopies ng balitang lumabas sa mga tabloid hinggil sa pagpigil ng RTC sa Caloocan sa “pork barrel†ni Oca. May nagreklamo pala sa Korte hinggil sa umano’y “vote buying†ng kampo ni Oca gamit ang pork barrel. Pati si DSWD Sec. Dinky Soliman ay respondent sa kaso dahil ang departamento niya ang namamahagi ng tulong sa mga mahihirap gamit daw ang “pork barrel.†Kung isa kang taong nagsusuri, mahirap paniwalaan iyan.
Ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) ay hindi hawak ng sino mang mambabatas. Ang mga mambabatas ang siya lang tumutukoy sa mga programang tutustusan ng pondo at may mga government offices (gaya ng DSWD) na nagpapatupad nito.
Isa pa, si Oca ay miyembro ng UNA na kalaban ng partido Liberal ni Presidente Noy Aquino. Paano mo maaasahan na ang miyembro ng kanyang gabinete tulad ni Soliman ay makikipagkutsaba kay Oca sa palsong gawain?
Kaya ang personal conclusion ko: Pure dirty tactics laban kay Oca ang nangyayari. Ang hirap naman kay Oca, hindi siya ang tipong gagamit ng demolition sa kalaban dahil ang gusto niya’y puro merito ang paglalabanan at hindi paghabi ng mga walang basehang akusasyon. Iyan si Oscar Malapitan na kilala ko na sapul nang siya’y naka-short pants pa lamang. At kaibigan ko rin naman si Recom at nagkakaharap pa kami sa inuman noong panahong mahilig pa akong tumagay at isa pa akong opisyal ng aming homeowners association.
- Latest