^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kapag maraming basura, siguradong may corruption

Pilipino Star Ngayon

HANGA kami kay Deputy Ombudsman for Luzon Gerard Mosquera sa husay niyang magbigay ng palatandaan o signs kung may nangyayaring corruption sa isang bayan o lungsod. Ayon kay Mosquera, obserbahan kung ang isang lungsod o bayan ay maraming nagkalat na basura. Kapag maraming basura, batbat umano ng corruption ang lungsod na ito. Kapag ang isang lugar daw ay malinis, ibig sabihin, sumusunod ang mga tao sa batas at sa namumuno ng lungsod. Kapag walang basurang nakikita sa kalye ang ibig sabihin ay maayos ang pamamahala at walang corruption.

Kaya naman puspusang isinusulong ngayon ng kanilang tanggapan ang istriktong pagpapatupad ng Solid Waste Management Act. Ayon kay Mosquera, nakikipag-ugnayan na raw sila sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) at civil society groups para ganap na maipatupad ang batas.

Si Mosquera ang itinalaga ng Supreme Court bilang Enviromental Ombudsman. Ayon pa kay Mosquera ang Office of the Ombudsman ay mahigpit ang pagnanais na malutas ang problema sa basura. Sisiguruhin umano nilang malinis ang bawat lungsod at bayan.

Mabilis nang malalaman ngayon kung ang isang lungsod ay batbat ng katiwalian at pinamamahayan ng mga gutom na buwaya. Pagmasdan lamang ang kapaligiran ng lungsod at malalaman na kung gaano kabulok ang pamamahala. At tiyak na mara-ming lungsod sa Metro Manila ang mapapasama sa mga listahan ng corrupt kapag nakita ang karumihan ng kapaligiran. Mabibilang ang mga lungsod na sumusunod sa tamang pagtatapon ng basura.

Sa kasalukuyan, may mga lungsod na patuloy na gumagamit ng plastic bags ang mga residente. Ang mga plastic bags kapag hindi naging maayos ang pagtatapon ang nagiging dahilan ng pagbaha. Hindi natutunaw ang mga plastic at ito ang nagpapabara sa daluyan ng tubig. Maraming residente na ginagawang basurahan ang ilog o estero.

Maraming lungsod sa Metro na umaapaw ang basura. At tiyak na umaapaw doon ang corruption. Mabaho, mapanghi, maaangot. Gawing gabay ang kalinisan ng lungsod at gantimpalaan ang mga namumuno sa darating na election.

AYON

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

DEPUTY OMBUDSMAN

ENVIROMENTAL OMBUDSMAN

KAPAG

LUNGSOD

LUZON GERARD MOSQUERA

MARAMING

MOSQUERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with