^

PSN Opinyon

Salamat po!

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

NOONG nakaraang Abril 7, 2013, mahigit 3,000 kaba­bayan ang nabigyan namin ng libreng medical (consultation), dental (extraction), at optical (consultation with free reading glass). Ito ay mula sa anim na barangay sa kapaligiran ng Manila Police District headquarters.  At ang lahat ng nabiyayaan ay may ngiting baon ng kanilang lisanin ang aming pa-medical mission sa MPD Press Corps. Ito’y bahagi pa lamang ng aming serbisyong publiko na may temang “Tulong Muna Bago Balita”  bilang bahagi ng aming nalalapit na golden anniversary. Sa puntong ito nabigyan ang tamang konsultasyon ang mga kababayan natin na  nangangailangan ng medical services na may libreng gamot at reading glass. 

At hindi lamang iyan mga suki, maging ang mga miyembro­ ng Manila’s Finest  at MPDPC ay nabigyan din ng gayong serbisyo, dagdag pa riyan ang Laboratory (RBS & Blood Typing) Physical Theraphy at X-Ray (Chest only) at siyempre ang legal consultation.  At dahil ika-49 na taon anniversary ni Bro. Eli Soriano sa pagtatag ng Dating Daan napaglingkuran din na mabigyan ng medical treatment ang 49 na preso sa loob ng MPD Integrated Jail, na kung saan nabigyan ng mga reading glass at libreng bunot ng ngipin  kasabay nito ang pagbibigay ng masustansyang pagkain at counseling.  Ang lahat ng iyan ay dahil sa aking­ pagpupursigi at tulong nina Kuyang Daniel Razon ng UNTV at Bro. Eli Soriano ng Dating Daan. 

Malaking guhit na naman ito sa kasaysayan ng MPDPC­ na makapaglingkod sa mga mamamayan ng Ermita, Manila. Malaki ang papel na ginampanan ng Kamang gagawa Foundation, Inc sa pa-medical mission namin sa MPDPC kung kaya nais kong pasalamatan sila sa pamamagitan ng pitak na ito.

Narito po sila mga suki: Napoleon Borje, MD, Internal Medicine, (Metro Manila); Mga dentists: Zenaida Cubacub, DMD, (Metro Manila);  Oscar Macasilang, DMD, (Rizal); Edgardo Soriano, DMD, (Laguna); Marivic Miron, DMD, (Cavite) at Ver Halili, DMD, (Rizal); Mga Optometrists: Rommel Roque, OD, (Metro Manila) at Myrene Santos, OD, (Cavite); Mga registered nurse: Jam Resurreccion at  Elisa Palomino, (Metro Manila); Gladys Bungay, Medtech (Metro Manila); Amor Tulalia, Radtech, (Metro Manila) at Atty. Lily Abdul. Kabilang din ang mga volunteers na sina Carmen Moral at Rose Erpelo sa Dental, Gerry Rabago, X-Ray, Michiko Uy at Amy Villanueva sa Physical The­rapy, Delio Lumiares, Photo­ville at Romeo Daquiaoag, Cameraman. Sina Cyril Oira at Mark Borje naman ang walang kapagud-pagod na nag-supervised sa lahat ng operation ng KFI na kontak ko at tulay upang matugunan ang pa-medical mission.

Nais ko ring pasamatan si Manila mayor Alfredo S. Lim sa mga tent, mono­blocks at tables na ginamit sa maghapong pa-medical. Siyempre pa si dating MPD Director Gen. Alejandro Gutierrez sa suporta naman niyang ipinagkaloob. Pina­ngasiwaan naman ni CDDS Sr. Supt. Joel Coronel ang siguredad at kaayusan sa kapaligiran habang isinasagawa ang medical mission at masusi itong sinu-supervised ni OIC Sr. Supt. Robert Po. 

Sa lahat nang tumulong, maraming salamat po.

 

vuukle comment

DATING DAAN

ELI SORIANO

MANILA

MEDICAL

METRO MANILA

SHY

SR. SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with