Diniktahan akong Amerika – Erap
TALAGANG hindi pa nawawala ang pagdidikta ng Estados Unidos sa mga maliliit na bansa kasama na ang Pilipinas.
Sa isang pananghaliang ibinigay ni dating Presidente Joseph Estrada sa mga mamamahayag sa campaign HQ niya sa Maynila noong Lunes, naitanong ko ito sa kanya.
Sabi niya, noong panahong nagdeklara siya ng all-out war laban sa secessionist movement sa Mindanao bilang Presidente ng bansa, nagpadala ng emisaryo sa kanya ang noo’y Pangulo ng US na si Bill Clinton. Sa isang paraang madiplomasya, hiniling kay Erap na baguhin ang kanyang desisyon. Pero ang sagot niya sa sugo “sorry, I can’t withdraw my decision.†Sabi raw ng emisaryo – “Do you want to talk to President Clinton now?†Pero ang maagap na sagot ni Erap ay “No need. I’ve made my decision.â€
“And that was the beginning of the end†ani Erap. Halos nangangalahati pa lang ang kanyang termino ay naganap ang EDSA Dos na siyang nagpatalsik sa kanya sa puwesto.
Aniya, mas malalang problema ang secession kaysa insurgency dahil ang layunin nito ay hatiin ang bansa samantalang ang insurgency ay naglalayon lamang na palitan ang uri ng pamamahala.
Ngayo’y kumakandidato siyang muli bilang alkalde ng Maynila sa bandila ng United Nationalist Alliance (UNA) at matapang na hinahamon ang liderato ni reelectionist Mayor Alfredo Lim.
“Ang serbisyo publiko†aniya ay “walang pinipiling posisyon†at ibig niyang ibalik ang ningning ng Maynila particular sa larangan ng peace and order at kabuhayan. Ang una raw niyang gagawin ay sugpuin ang kriminalidad sa lungsod upang magkaroon ng kaayusan at kapayapaan na makakaakit ng mga mamumuhunan.
Hindi lang naman Maynila ang may ganyang problema. Sa buong bansa ay talagang peace and order pa rin ang usapin na dapat solusyunan. Masyado nang agresibo ang mga kriminal. Hindi lang nagnanakaw kundi pumapatay pa!
Kahit may CCTV camera ay parang nagpo-posing pa sila at hinahamon ang mga autoridad na “come and get me.†Grabe talaga.
- Latest