Pope Francis, bagong mangingisda ng simbahan
ITINALAGA ni Hesus si Simon Pedro upang mamuno sa Kanyang simbahan. Siya ang natatanging apostol na sa kabila ng kanyang pagtatakwil kay Hesus ay lubusang nagsisi at humingi ng kapatawaran. Siya’y pinatawad at ipinagkatiwala pa sa kanya ang itinayong simbahan. Kaya sa pananampalatayang Kristiyano, siya ang kauna-unahang pinuno na tinatawag natin ngayong Petrus Apostolus Pontifex Actuositatis (PAPA). Si Pedro ay isang tulay na nag-uugnay sa Diyos at sa itinayong Iglesia o simbahan.
Ang kauna-unahang pagkikita ni Hesus at ni Pedro ay sa tabi ng Lawa ng Genesaret. Hiniram ni Hesus kay Pedro ang kanyang bangka sa dalampasigan. Doon Siya naupo at nangaral sa mga tao (Lukas 50:1-11). Bilang pasasalamat ay sinabi ni Hesus kay Pedro na pumalaot ito at ihulog ang lambat. Nakahuli sila nang maraming isda. Sa muling pagkabuhay ni Hesus ay muli Siyang nagpakita kay Pedro kasama ang mga apostol sa may Lawa ng Tiberias. “Mga anak, mayroon ba kayong huli?†tanong ni Hesus. “Wala po†sagot nila. Nagliwanag ang kanilang kabuuan at nakilala nila si Hesus na muling nabuhay lalo na noong sinabi sa kanila na ihulog ang lambat sa gawing kanan ng bangka. Nakahuli sila nang maraming isda. “Panginoon, nalalaman po ninyo ang lahat ng bagay, nalalaman ninyong iniibig ko kayoâ€.
Dito natin mapapagnilayan na si Pedro (ibig sabihin ay bato) na itinayo ni Hesus ay hindi magigiba kailanman. Si Pedro ang mangingisda nating mga tao. Tayo’y pinagsasama-sama niya upang magbalik-loob sa iisang simba- hang itinayo ni Hesus: “Pedro, ikaw ay bato at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang Aking Iglesia at ang kapangyarihan ng impiyerno ay hindi magwawagi laban sa kanyaâ€. Kaya naman ang tunay na Iglesia o simbahan ay itinayo ni Hesus kay Pedro lamang at hindi kung kani-kanino man.
Gawa 5:27-32; Salmo 39; Pahayag 5:11-14 at Juan 21:1-19
- Latest