Ano ang paliwanag dito? (Ika-2 bahagi)
MUKHANG wala nang lusot ang Comelec sa bumanderang balita kamakailan tungkol sa lumalabas na malinaw na pandaraya na nangyari sa Compostela, Cebu noong 2010 elections!
Kailangang sagutin ito ng Comelec. Noong eleksiyon ng 2010, kauna-unahang beses natin ginamit ang PCOS machines. Nang manalo si P-Noy ay wala nang gaanong makaalma dahil malinaw din naman sa survey na panalo na talaga ito. Pero marami naman ang nakaaalam na ang pandaraya noong 2010 ay “customizedâ€, “made to orderâ€. Kumbaga, depende sa transaksiyon, ay doon lamang sa lugar o doon lamang sa kandidato na iyon ang dadayain. Pero halos lahat iyan ay inireklamo na at ngayon ay mga kaso na ng election protest na ang kalakaran sa korte ay kubli sa publiko. Nakapaloob sa mga detalye ng mga protestang ito ang modus. Isa sa mga protestang iyan ay ang reklamo ni Richie Wagas laban kay Joel Quino, nagÂlaban sa pagka-mayor ng Compostela sa Cebu. Nanalo raw si Quino at ngayon nga ay magtatatlong taon nang nakaupo. Humingi ng mano-mano na bilangan si Wagas. Kailangang buksan ang makina at bilangin nang manual recount ang mga balota. Mahigit dalawang taon ang nakalipas bago pinayagan ng RTC ang manual recount. Diyos ko po! Nakakapangilabot ang lumabas na resulta.
Sa precinct 1 ang bilang ng PCOS machine sa boto para kay Quino ay 468. Pero nang bilangin sa aktwal mga balota ay 214 lang! Sa precinct 2 ang boto ni Quino ay 448. Sa manual recount ay 191 lang. Sa precinct 4 ay 471 sa PCOS pero sa manual ay 98 lang, grabeee! Sa higit kalahati ng 34 na precinct na nabilang na ulit nang mano-mano, lumalabas na ang total na boto para kay
Wagas ay 9,725 at si Quino ay 5,432 lang. Sa mga boto para kay Wagas, halos hindi nagkakaiba ang sa PCOS at manual recount. Naku! Eh di napakalinaw na tinarget lang talaga ang pagdagdag ng boto ni Quino?!!
Ayon pa kay Wagas ay may ilan pang iregularidad ang nangyari: 1) may tinatawag pala na PCOS ID number ang bawat isang makina. Dapat ang number na ito ay tugma sa number sa bawat election return form. Nadiskubre nina Wagas na maraming form ang hindi tugma ang serial number sa PCOS ID. Sa 34 na precinct ay isa lang tugma ang numero. Kumbaga, lumalabas na galing sa ibang makina ang mga ipinasok na election return form sa PCOS machine na binuksan sa Compostela! (Itutuloy)
- Latest