^

PSN Opinyon

Echiverri maraming nagawang tagumpay

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

SABI ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa kasaysayan ng Liga ng mga Barangay sa Philippines my Philippines, si Caloocan City mayoralty candidate RJ Echiverri ang pinakabatang nahalal na pambansang pangulo nito.

Isa rin siya sa pinakabatang mga konsehal sa Caloocan City at naging taga-pangulo ng Committee on Education ng konseho ng Siudad.

Hindi biro ang mga trinabaho ni RJ sa madlang people ng Caloocan para mabigyan sila ng totoong serbisyo at ang mga mahihirap dahil kabilang sa mga matagumpay na nagawa nito ang pagpapatupad ng “Alay Kapatiran para sa lokal na sangay ng Liga.

Sabi nga, ang death at medical benefits para sa nanunungkulang mga opisyal ng mga barangay.

Sa ginawang pagsisikap ni RJ,  napagtibay ng Caloocan City Council ang isang resolusyon para sa paglalaan ng P1 million donation sa mga lalawigan ng Davao Oriental at Compostela Valley makaraang salantain ito ng bagyong Pablo noon.

Napagtibay rin ni RJ at nabigyan ng prayoridad ang Violence Against Women and Children Law and the Juvenile Justice Welfare Act dahil sa suporta nito.

Dahil na rin sa pagsisikap ni RJ, ang Alternative Learning System o ALS ay naging isang mahalagang kasangkapang pang-edukasyon para sa maraming out-of-school youth at mga maybahay sa maraming barangay sa Philippines my Philippines.

Napamalagi rin ang medical assistance sa mga barangay official, P6,000 sa Punong Barangays at P4,000 sa iba pang opisyal ng barangay.

Pinangunahan din ni RJ, ang  Ugnayan ng Barangay at Simbahan o UBAS at binigyang-pagkilala ang mga punong barangay sa pamamagitan ng pagkakaloob ng certificate of recognition sa mga ito na 100 porsiyento ang attendance sa General Assemblies.

Bukod pa sa mga nagawa ni RJ, nagpa-bigay siya ng insentibo sa Brgy. Health Workers, Day Care Workers at Brgy. Tanods.

Inorganisa ni RJ, ang medical at dental schedule sa bawat barangay sa district 1 at 2 sa pakikipag-ugnayan sa city health office ng Caloocan.

Nagpatupad si RJ ng livelihood Programs, Trainings and Seminars sa pakikipag-ugnayan sa Labor and Industrial Relations Office ng Caloocan City.

May 57 na batas at resolution ang naipasa ni RJ tulad ng resolusyon sa pagpapatayo ng “Caloocan City Polytechnic University” at Tertiary Hospital, mga ordinansang nagbibigay ng permanenteng lupa at tahanan para sa mga taga-Caloocan sa KRISSAMAR, North Bay View Association, Devine Mercy Homeowners Association, Residents of Block 30 PHHC, Green Valley Association. mga ordinansang nagbibigay ng assistance para sa mga may kapansanan, mga ordinansang nagtataguyod sa Microentrepreneurship sa tulong ng LIRO, mga ordinansang itinataguyod ang Local Alternative Learning System (ALS) para sa mga out-of- school youth, mga ordinansang nagbuo at nagpalakas ng pakikipag-ugnayan ng Caloocan sa Inchoen Metropolitan City sa South Korea bilang Sister-City, mga ordinansang sumusuporta sa Juvenile Justice Law sa Caloocan, pagbigay ng incentives sa mga Brgy. Health Workers, Day Care Workers at mga Brgy.Tanod, pagpapalakas sa Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC), Livelihood Programs at Training.

Pagbuo ng Caloocan City AIDS Council.

Mga resolusyon na tutugon sa pangunahing pangangaila­ngan ng mga naghihirap at walang trabaho.

“Alay Kapatiran” - death at medical benefits sa mga Brgy. Officials at ang pagbuo ng Ugnayan ng Barangay at Simbahan o UBAS.

‘Ano pa kaya ang masasabi ng mga taga - Caloocan kay RJ bukod sa mga nagawa niya sa madlang people dito na kapaki-pakinabang ay maka- Dios pa ito.’ Sabi ng kuwagong na pangakuan at nabola ng mga politiko.

Abangan.

ALAY KAPATIRAN

BARANGAY

BRGY

CALOOCAN

CALOOCAN CITY

CITY

DAY CARE WORKERS

HEALTH WORKERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with