^

PSN Opinyon

Calixto pa rin!

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

MALIWANAG pa sa sikat ng araw na si Pasay City Mayor Antonino “Tony” G. Calixto pa rin ang magiging alkalde ng lungsod base sa resulta ng pinakahuling survey na isinagawa kamakailan ng Social Weather Stations (SWS). Base sa SWS survey sa dalawang distrito ng siyudad, 63% ng mga “respondents” ang napupusuan si Calixto bilang mayor ng Pasay. Sinundan siya ni dating Mayor Peewee Trinidad na nakakuha ng 13% samantalang ang baguhang si Jorge del Rosario ay nakakuha ng 11%.

Sa survey, ang mga respondents ay nabigyan ng katanungan na “Kung ang eleksyon ay gaganapin ngayon, sino ang pinakamalamang ninyong iboboto bilang mayor ng Pasay City? Narito ang listahan ng mga kandidato. Pakishade o itiman po ang naaangkop na oval katabi ng pangalan ng taong pinakamalamang ninyong iboboto.” Si Calixto ang “top choice” ng mga Pasayeño na maging mayor sa survey na isinagawa sa dalawang distrito ng Pasay, sa iba’t ibang katayuang pinansyal sa buhay,  mapalalaki o babae. Ayon sa mga Pasayeño, ilan sa mga kadahilanan ng kanilang pagpili kay Calixto ay: Ang pagkakaroon ng magandang plataporma para sa Pasay City 39% ; Tinutulungan ang mga mahihirap 36%; Nakapagsagawa ng mga proyekto sa kanilang mga lugar 34%; Madaling lapitan 29% at May kasanayan sa pamumuno 25%. Si Calixto ay may +71 % trust rating din laban kay Trinidad na nakakuha ng +27% samantalang +6% ang kay Del Rosario. Binigyang-pansin ng Pasay City respondents ang mga magagandang katangian ng mayor tulad ng: Pagiging matulungin/Tumutulong sa mga Mahihirap 39%; Mabait 22%; Mada-ling lapitan 19% at Hardworking 13%.

Ang SWS survey ay isinagawa noong Pebrero 22-24, 2013 gamit ang opisyal na listahan ng mga kandidato gayundin ang “ballot box technique” sa may 400 rehistradong botante ng Pa­say. Mayroon itong “mar­gin of error” na 5 plus or minus percentage points. Sa isang pahayag, binanggit ni Calixto ang kanyang taos-pusong pasasala­mat  sa mga Pasayeño at nangako na kanyang ipag­ papatuloy ang mga pro­grama at proyekto ng kanyang administrasyon. Ito ay upang mapanatili ang imahe ng lungsod bilang “Travel City” ng bansa at mas mapataas pa ang tu­rismo, employment at investment.

Binanggit ng mayor na ang kanyang tagumpay ay dahil na rin sa pagsuporta ng mga mamamayan lalo na sa pagpapaunlad ng lungsod at pagtiyak na ang mga pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan ay natutugu­nan. Maliwanag pa sa sikat ng araw na si Calixto nga ang  nagtatagumpay sa pagkuha sa “trust and confidence” ng mga Pasayeños. Kaya ayon kay Calixto  “Makakaasa po kayo na ang aking adminis­trasyon ay ipagpapatuloy ang pagtataguyod sa mga programa tulad ng ‘Take Care I Care’ Health Card na handang tumulong sa lahat ng oras upang mabawasan ang suliranin pagdating sa pangangalaga ng  kalusugan.”

Simula noong 2010, nakapagpatayo na si Calixto ng bagong school buil-dings, nakapagpasimula na ng housing projects, nakapagsimula ng moder­ni­sasyon ng mga health centers at nakapagpaayos ng drainage system upang mabigyan solusyon ang problema sa baha. Ayon pa sa mayor, kabilang sa City Government social services ay ang pagkakaloob ng iba’t ibang medical equipment sa iba’t ibang mga barangay, pagkakaloob ng scholarships sa “financially challenged yet deserving students” at pagbibigay ng medical at burial assistance sa mga nangangailangan na residente.

 

AYON

CALIXTO

CITY GOVERNMENT

PASAY CITY

PASAYE

SHY

SI CALIXTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with