‘Sex objects’
NAKAKAPANLUMO at talamak ang aktibidades ng mga putok sa buhong sindikato ng human trafficking sa bansa.
Mga grupong nananamantala para pagkakitaan ang mga kababaihan, partikular, ang mga menor de edad.
Bida dito ang mga “mamasang†at mga magkakabagang na mga “highly organized syndicateâ€. Mga recruiter ng mga “sex object†o mga kabataang nalilinlang at nae-engganyo sa mga maling pangako.
Sa mga isinagawang imbestigasyon at operasyon ng BITAG, natukoy namin na kahirapan ang pangunahing dahilan kung bakit ang ilan nabibingwit ng mga sindikato.
Ang Human Trafficking ay paglabag sa Karapatang Pantao. Naisasagawa ito sa proseso recruitment, pagbabiyahe ng patago, pagkupkop, pagkulong sa isang tao o grupo, pamimilit at sapilitang pangdudukot, pandaraya o panloloko, paggamit ng pananakot o pwersa at minsan ay dahas upang ibulid sa prostitusyon, forced labor, slavery at human organ trade.
Malawak ang operasyon at aktibidades ng mga sindikato ng human trafficking. Nagaganap ito sa loob ng bansa at sa labas ng bansa o sa mga hangganan ng karatig nating bansa.
Iba-iba ang estilo at taktika ng mga sindikato. Walang pinipiling panahon o anumang pagkakataon. Iba-iba rin ang mukha ng mga recruiter depende sa katayuan at kalagayang-ekonomikal ng “sex object.â€
Bagamat marami sa mga kababayan natin ay mahi-hirap, hindi ito batayan para mabitag ng mga gumaga-lang kasapakat ng mga sindikato.
Kahit na gaano ka-seryoso ang pamahalaan sa pagsugpo ng Human Trafficking activities sa bansa, hindi ito dapat gawing batayan na ligtas tayo sa ganitong iligal na industriya.
Maging alerto at matalino upang hindi madenggoy ng mga dorobong sindikato!
Manood at makinig sa Bitag Live! sa Radyo 5 at AKSYON TV sa Channel 41 araw-araw. Pinoy US Cops – Ride Along, Sabado 8:30 – 9:00 at BITAG, 9:15 -10 ng gabi sa PTV4.
Para sa inyong mga sumbong at tips mag-text message sa 09192141624 o mag-email sa [email protected] o magsadya sa BITAG Headquarters #299 Syjuco Bldg. Kalaw Hills, Tandang Sora, Quezon City tuwing araw ng Miyerkules, alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.
- Latest