Medical at dental mission ng Manila Police District Press Corps
BUKAS (Linggo), ganap na 7:30 ng umaga, aarangkada ang pa-medical and dental mission at guidance counseling ng Manila Police District Press Corps sa bakuran ng MPD headquarters. Ang pangunahing mabibigyan ng serbisyong medical ay ang apat na barangay na nakapaligid sa MPD headquarters na nasasakupan ng Ermita, Manila. Siyempre hindi mahuhuli rito ang mga kapamilya ng Manila’s Finest at mga miyembro ng MPDPC at ma-ging ang mga kapatid nating photographer sa Luneta. May temang “Tulong Muna Bago Balita†ang naturang proyekto bilang pagtanaw ng MPDPC sa mga kababayan nating nangangailangan sa pangkalusugang serbisyo.
Sa proyektong ito ng MPDPC, malaking papel ang gagampanan ng UNTV matapos na kanilang ibukas palad na ipagkaloob sa mga kababayan natin ang libreng medical check-up/gamot at mga batikang abogado mula sa kanilang Kawanggawa Foundation Inc. Ito ang ikalawang medical mission na aking inorganisa sa di-matawarang pananaw ni Kuyang Daniel Razon ng UNTV at Bro. Eli Soriano ng Dating Daan. Noong 2011 ay nakapagbigay ng serbisyong medical ang KFI sa humigit kumulang sa 2,000 tao at marahil bukas tiyak na mas hihigit pa.
Upang mabuo ang proyekto, nahikayat ko rin si retired Gen. Alejandro Gutierrez na dumalo sa naturang okasyon bilang pagpasalamat sa maganda niyang pagtanaw sa aking mga miyembro at kabaro sa industriya ng pamamahayag, kabilang na rito ang pagkakaloob niya ng permiso na magamit ang lobby ng MPD headquarters. At bilang ama ng lungsod, nakatakdang dumalo si Manila mayor Alfredo S. Lim upang saksihan ang makasaysayang Medical Mission na bahagi ng Golden Anniversary ng MPDPC. At upang mabigyan ng proteksyon ang mga pasyenteng darating, ipinagkaloob ni Mayor Lim ang apat na malala-king tent, 250 monoblocks at apat na mahahabang lamesa na paglalatagan ng mga gamit sa medisina. Siyempre magi-ging abala naman ang buong opisyales ko sa MPDPC sa pag-asiste sa mga kasapi ng KFI at mga pasyente.
Tanging ang MPDPC na aking pinamumunuan ang press corps sa buong Pilipinas ang nakapag-oorganisa nito sa kasalukuyan. Ang MPDPC ang pinaka-maraming myembro sa lahat ng press corps sa buong bansa kung kaya lahat ng balita na inyong naririnig at nababasa sa umaga ay halos dito hinuhubog, dahil TriMedia po kami. Dito rin nanggagaling ang mga sikat na editors sa diyaryo/magazine, radio anchorman at television host. Maging ang mga batikang columnist at commentators ay nahubog sa MPDPC. Kaya sa darating na June 27, 2013 ay inyong masisilayan ang “Golden Book†ng MPDPC bilang pagtanaw sa mga beterano at baguhang media personalities. Kaya simula bukas unti-unti na ninyong madarama ang aming taus pusong pananaw. Kita-kits tayo bukas sa MPD headquarters mga suki!
- Latest