EDITORYAL - ‘Baluktot na daan’ tinatahak ng BI
HABANG ipinagmamalaki ng Aquino administration ang pagtahak sa “tuwid na daan†tila binabaluktot naman ito ng mga corrupt sa Bureau of Immigration (BI). Imagine, walang tigil si President Aquino sa pagpo-promote ng “tuwid na daan†at babaluktutin lang pala. Maski sa pag-eendorso ng mga kandidato sa pagkasenador ay binabanggit ni P-Noy ang “tuwid na daan†at ito raw ang tinatahak ng bansa patungo sa kaunlaran. Ang “tuwid na daan†ang slogan ni P-Noy mula pa noong nangangampanya noong 2010 presidential elections. At malamang ang slogan na ito ang nagbigay sa kanya ng bertud para maupo sa pinaka-mataas na puwesto. Kaya hanggang ngayon, iniingatan niya ang “tuwid na daanâ€. Ayaw niyang madungisan sapagkat ito ang maghahatid sa bansa sa rurok ng tagumpay.
Pero sa nangyayaring “pagbaluktot†ng mga tiwa-ling tauhan sa Immigration, nawawala ang sustansya ng mga ipinagmamalaki ng Aquino administration. Sa isang iglap ang “tuwid na daan†ay nagiging “liku-likong daan†at dapat managot ang mga tiwaling taga-Immigration. Kakahiya ang ginagawa nila.
Ang kaso ng pagkakatakas sa bansa ng Korean fugitive na si Park Sung-jung noong Marso 19, 2013 ay itinuturong kagagawan ng mga corrupt sa Immigration. Mismong si Justice Secretary Leila de Lima ang nagsabi na malaki ang pananagutan ng mga taga-Immigration. Nasuhulan o nalagyan ng pera ang mga corrupt sa Immigration kaya ito nakalabas ng bansa. Ayon kay De Lima, nakapagtataka rin kung bakit naisyuhan ng working visa si Park noong Agosto 2012 gayong nasa process na ito ng deportation sa kanilang bansa. Si Park ay wanted sa Seoul dahil sa $25-million investment scam.
Mabilis umano ang pagkakalabas ng bansa ni Park sapagkat nang araw na tumakas ito, noon ding araw na iyon binili ang tiket sa eroplano. Nakahanda na ang may nakatatak na boarding pass. Hindi nakarehistro ang kanyang departure. Nagpapatunay lamang na “gumalaw ang pera†kaya nakatakas si Park.
Hindi ito ang unang pagkakataon na may nakatakas na Korean habang nasa custody ng Immigration. Noong 2011, nakatakas din si Kim Tae-dong. Wanted si Kim sa Seoul dahil sa panloloko.
Nakakahiya ang Immigration na sinisira ang “tuwid na daan†ni P-Noy. Imbestigahan ang mga corrupt sa Immigration at parusahan ang mapapatunayan.
- Latest