^

PSN Opinyon

Baka natutulog ka pa Mayor Recom, gising na!

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

NAKATANGGAP ako ng  liham mula sa mga concerned citizen ng   Caloocan City  ito’y upang iparating sa kaa-laman ni  Caloocan Mayor Recom Echiverri hinggil sa hokus-pokus na pag-apruba sa operasyon  ng Chill Hotel na ipinagkaloob ng Bureau of Permit License Office (BPLO).  Kasi nga lumalabas  sa kanilang reklamo na may  sabwatang naganap mula sa mga tiwaling kawani ng BPLO at ng Blue Mica Inc., kaya kahit na umano may kakulangan sa requirement ang naturang hotel ay nakapag-operate ito. Ang isyung ito sa Chill Hotel ay nararapat na busisiin mo Mayor Recom dahil pangalan mo ang dinudungisan at niyuyurakan ng mga ilang tiwaling anay sa BPLO. Kasi ayon sa reklamong nakasaad, nakakapag-operate ang Chill Hotel sa ilalim ng “Blue Mica Inc.” sa 89 General Pio, Valenzuela St. corner Caimito Road, Caloocan City sa dami ng violation gaya ng sanitary, fire extinguisher, electrical at lalo na ang kanilang fire exit.

Mukhang sa tingin ko may katwirang mag-react itong mga taga Caloocan dahil sa Fire Prevention Month ngayon at halos kaliwa’t kanan na ang nangyayaring sunog sa lahat ng sulok ng Metro Manila. At oras na magtulug-tulugan si Mayor Recom tiyak na sa pagmulat ng kanyang mata tiyak na kapahamakan ang babalot sa kanyang paligid. Magkano kaya ang kalakaran  sa BPLO para ipagpalit ng mga anay  ang mga buhay ng  mga parukyano ng naturang Chill Hotel. Aantayin pa ba ninyo Mayor Recom na dumating ang aksidente gaya ng sunog at lindol, ang nangyari sa Ozone Disco at Hotel Manor?

Sa palagay ko napapanahon na upang ikumpas mo ang iyong kamay na bakal kay Fire Marshall Jerremy Diaz upang masuri ng tuluyan ang naturang establisimento nang mawala ang agam-agam ng taga-Caloocan. Kasi nga sariwa pa sa isipan ng mga taga Caloocan ang pagkasunog ng Grand Cen­tral Caloocan dahil sa ka­pa­bayaan ng ilang tiwaling ta­­uhan ng Caloocan Fire De­partment. Baka naman Mayor Recom pikit matang pinagkalooban ng “FSIC” Fire Safety Inspection Certificate ang Chill Hotel, kasi nga kung nag-inspection si Fire Marshall Diaz  sa natu-rang hotel tiyak na makikita niya na ang mga fire sprinkler ay nasa itaas ng fan cooling unit (FCU) ayon ‘yan sa reklamo.

Aba, puwede ‘yang maging dahilan ng sunog o short circuit. Ang mga  fire exit ladder saan po kaya nailagay? Kung meron man dapat na mayroon malinaw na kara-tula at maluwag na daanan upang madaling makita ng mga parukyano. Malaki sana ang maitutulong nito sa administrasyon mo Mayor Recom dahil maraming trabaho itong ibinibigay subalit bago sumakit ang ulo mo  Mayor Recom, dapat paimbestigahan itong maigi. Abangan!

BLUE MICA INC

CALOOCAN

CALOOCAN CITY

CHILL HOTEL

FIRE

HOTEL

MAYOR RECOM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with