^

PSN Opinyon

Trabaho para sa mga kabataan ngayong bakasyon

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada - Pilipino Star Ngayon

NALALAPIT na naman ang bakasyon sa klase at libu-libo na namang kabataan ang nakatakdang makinabang sa Special Program for Employment of Students (SPES).

Isinasaad ng SPES law na ang mga kabataang 15 hanggang 25 anyos (kasalukuyang istudyante o naging out-of-school youth pero nais pang mag-aral) ay binibigyan ng pagkakataong magtrabaho sa mga pribadong kompanya at mga lokal na pamahalaan sa panahon ng bakasyon sa klase, partikular tuwing semestral break, at summer at Christmas vacation.

Sila ay tatanggap ng suweldong hindi bababa sa minimum wage kung saan 60 porsiyento ng suweldo ay matatanggap nila nang cash habang ang 40% ay sa porma ng “education vouchers” na magagamit na pambayad sa tuition fees at iba pang gastusin sa paaralan.

Pangunahing isinulong ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada ang ibayong pagpapa-lakas ng nasabing programa sa ilalim ng naging Republic Act (R.A.) No. 9547 (amended SPES law).

Ayon kay Jinggoy, sa pamamagitan ng naturang amendatory law ay ginawang mas magaan ang mga requirement upang makalahok sa programa ang mga kabataan, pribadong kumpaniya at mga lokal na pamahalaan; dinagdagan din ang pagtitiyak na babalik sa iskuwela at magpapatuloy sa pag-aaral ang mga kabataan pagkatapos ng kanilang temporary employment; itinakda ang pagbibigay ng mataas na “academic credits” sa mga papasok sa trabahong related sa kanilang kurso; at ginarantiya rin ang dagdag na pondong ilalaan ng pamahalaan sa programa.

Malaking ayuda ang SPES sa “poor but deserving students” upang makalikom sila ng perang magagamit nila sa pag-aaral. Bukod dito, nakatutulong din ang pro-

 grama upang magkaroon ng inisyal na aktuwal na kaalaman at karanasan ang mga istudyante sa trabahong po­sible nilang pasukan sa pag-graduate nila. Sa pamamagitan din nito ay maagang nadi-develop sa mga kabataan ang “love for work” at “proper attitude toward work and co-workers” na kakailanganin nila upang umun­lad sa kanilang magiging propesyon sa hinaharap.

AYON

BUKOD

EMPLOYMENT OF STUDENTS

ISINASAAD

JINGGOY

REPUBLIC ACT

SENATE PRESIDENT PRO TEMPORE JINGGOY EJERCITO ESTRADA

SPECIAL PROGRAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with