Malaysia puro pakabig sa isyung Sabah, Amalilio
NASA TV news kamakailan si Malaysian Foreign Mi-nister Anifah Aman. Humihiling siya ng ebidensiya sa gobyerno ng Pilipinas para isangkot si opposition leader Anwar Ibrahim sa “paglusob†sa Sabah ng Sulu Sultanate Royal Army. Ito’y matapos ibalita ng isang wire agency na, ayon sa di-pinangalanang heneral ng Pilipinas, ay kaibigan siya nina Sultan Jamalul Kiram III at Nur Misuari, pawang nagsusulong ng Sabah claim.
Nais ni Anifah at ng amo na si Prime Minister Najib Razak ikulong si Anwar. Ito lang ang paraan para hindi siya maging PM sa napipintong eleksiyon para palitan ang parliament nina Najib at Anifah.
Pabagsak na ang tiwala ng Malaysians kay Najib. Sunud-sunod kasi binisto ni Anwar ang mga katiwalian niya: kickback sa submarine deal sa France, pagpatay sa isang Mongolian socialite, at panunuhol sa US press para purihin ang gobyerno niya. Nasangkot din ang mga katoto ni Najib sa eskandalo. Nahuli sa Hong Kong ang money launderer ni Sabah chief minister Musa Aman, kapatid ni Anifah. Ibinasura ni Attorney General Gani Patail, kamag-anak ni Musa, ang mga kaso. At sangkot sina Najib, Musa, Gani, at Anifah sa pagkupkop kay Manuel Amalilio, na nang-swindle ng 15,000 Pilipino, karamiha’y Muslim.
May gana pa ngayong humingi ng tulong si Anifah sa Pilipinas. Pero hindi naman nila isinosoli si Amalilio sa Maynila para harapin ang mga sakdal. Hindi rin nila sinosoli sa Pilipinas ang ninakaw nito na P2 bilyon. At ni hindi pinansin ni Najib ang tatlong kahilingan ng Pilipinas: na itaguyod ng karapatan ng 800,000 Pilipino sa Sabah, ipakausap sa mga Pilipinong opisyales ang mga binihag na tauhan ni Kiram, at bigyan ang mga huli ng pagkakataon na lisanin nang buhay ang Sabah.
* * *
Makinig sa Sapol, SaÂbaÂdo, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]
- Latest