^

PSN Opinyon

Huwag maging over confident

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

PAKSA natin kamakailan ang batikos ng ilang oposisyunista kay Presidente Noy: “Imbes umaksyon sa pagresolba ng Sabah crisis ay  mas inaatupag ang pangangampanya para sa kanyang mga manok sa nalalapit na eleksyon”.

Para sa akin, kailangan ay balanse lang. OK ang kampanya basta’t tinututukan ang mga problema lalu na yung nauukol sa pambansang seguridad. Ang krisis sa Sabah halimbawa, kapag naglubha pa ito ay pihong apektado ang mga  pambato ng Team P-Noy.

At sana’y iwasan ang labis na kompiyansa sa sarili gaya ng nahihiwatigan natin sa mga top men ng Team Pnoy. Alalahaning  mismong ang Pangulo ay tila di kuntento. Apat na kandidato ng pamahalaan ay nasa labas pa rin ng winning circle of 12, batay sa mga nalathalang survey.

Ang mga pasok na pambato ng UNA ay sina JV Ejercito Estrada, Nancy Binay, Gringo Honasan at Jack Enrile.  Ang mga Team PNoy na outside d’ kulambo ay sina Sonny Angara, Jamby Madrigal, Jun Magsaysay at Risa Hontiveros.

Tatlo sa apat na nangunguna sa UNA ay mga anak ng tinaguriang “Tatlong Hari” ng koalisyon na sina Bise Presidente Jojo Binay, dating Pangulong Joseph Estrada at Senate President Juan Ponce-Enrile.

Siguradong gagawin ng Team PNoy ang lahat para magkaroon ng tinatawag na “complete sweep” sa Mayo. Sa ibang salita, malamang manganib  ang lagay ng apat na taga-UNA.  Batid naman natin kapag ginamitan ng special operation ang ilang kandidato. Sa isang iglap, kayang matabunan ng negatibong isyu ang mga kalabang kandidato para bumaba ng husto ang rating sa mga survey.  

Balikan natin ang Sabah issue. Maraming ka­babayan natin ang kuma-kastigo  sa anila’y dispalinghadong paghawak o pamamalakad ni Pangulong Aquino sa krisis.  Bakit hindi konsulta- hin ni PNoy ang National Security Council o NSC sa ganito kalaking security issue? Iyan ang puna ni Cagayan Congressman at kandidato sa pagka Senador na si Jack Enrile. Ipinanunukala ni Jackie Enrile na suriin at pagaralan nang husto ng NSC ang isyu sa halip na ito’y ipaubaya na lang sa Presidente at sa iilan nitong mga taga­pagpayo na wala namang kinalaman o kakayahan sa seguridad ng bansa. Mismong si dating pangulong Fidel Ramos ay ganun din ang panukala na dapat ay nasa ibabaw ng sitwasyon ang NSC.

BISE PRESIDENTE JOJO BINAY

CAGAYAN CONGRESSMAN

EJERCITO ESTRADA

FIDEL RAMOS

GRINGO HONASAN

JACK ENRILE

SABAH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with