EDITORYAL - Hindi hadlang ang kahirapan
MAGANDANG inspirasyon sa kabataan si Cadet First Class Jestony Arman Lanaja. Si Lanaja ang topnotcher ng “Pudang Kalis†Class 2013 ng Philipppine Military Academy. Gaganapin ang graduation sa Marso 17 at si President Aquino ang mag-aabot ng presidential saber kay Lanaja. Si Lanaja ay papasok umano sa Philippine Army.
Nagmula sa mahirap na pamilya sa Davao del Sur si Lanaja. Sa katunayan, walang panggastos ang kanyang mga magulang para siya pag-aralin sa kolehiyo. Ang kanyang ama ay isang “mangangarit†o “magtutubaâ€. Binabayaran ng kanyang ama ang bawat puno ng niyog na kanyang kinukunan ng tuba. Ang tuba ay ibinibenta umano sa halagang P30 isang gallon. Mayroon silang maliit na sari-sari store na ang kanyang ina ang namamahala. Kahit bali-baliktarin ang mundo, hindi mapagkakasya ang kinikita sa pagtutuba at maliit na tindahan para mapag-aral ang mga anak sa kolehiyo. Bukod kay Lanaja, may iba pang kapatid si Lanaja na nag-aaral.
Ayon kay Lanaja, tumigil siya sa pag-aaral noong nasa first year high school sapagkat walang-wala talaga sila. Nagtrabaho siya sa isang tubuhan (sugarÂcane). Taga-harvest ng tubo. Mahirap na trabaho. Bawat bundle ng tubo ay P1.25. Nakapagha-harvest siya ng 50 bundles. Pero sa kabila ng hirap, hindi na-ging hadlang kay Lanaja para mangarap. Nagpatuloy siya sa pag-aaral at nag-graduate ng may karangalan sa Digos City National High School. Pagkaraan ay ipinasya niyang mag-aral siya ng electronics sa isang vocational school. Siya rin ang nag-top sa vocational course. Hanggang sa kumuha siya ng PMA entrance exam. Ayon kay Lanaja, nagbenta ng alagang baboy at kambing ang kanyang mga magulang para may pamasahe siya patungong Maynila upang kumuha ng exam. Ayon kay Lanaja, tanging ang pag-aaral sa PMA ang makatutulong sa pag-aabot ng pangarap. Mataas din ang pangarap ng kanyang mga magulang para sa kanilang magkakapatid. Sa kabila nang mahirap na buhay, matutupad ang kanilang pangarap sa mga anak.
Nang makapasa si Lanaja sa PMA, lalo pang nag-alab ang kanyang pagnanais na makapagtapos ng pag-aaral. Iyon ang simula para makamit ang kanyang pangarap. Nag-aral na mabuti si Lanaja. Sinikap niyang manguna sa klase. At hindi siya nabigo. Sa 124 na mga kadeteng magtatapos, siya ang nanguna. Ayon kay Lanaja, ang kanyang pamilÂya ang tangi niyang inspirasyon.
- Latest