EDITORYAL - Suriin muna ang iuupo sa Comelec
HINDI na natuto ang Malacañang. Makaraang i-appoint ni President Aquino bilang Election Commissioner si Macabangkit Lanto noong nakaraang linggo, nagsingawan ang mga matitin-ding akusasyon sa dating kongresista. At kakatwa pang ang mga akusasyon ay may kinalaman sa election. Nadiskubre na kinasuhan si Lanto ng Board of Election Inspectors sa Lanao del Sur noong 2007 dahil sa coercion. Ibig sabihin, may nakabinbin siyang kaso. At ang sinumang may kaso ay dapat magkaroon ng “delikadesa†na tanggihan ang appointment. Bukod sa coercion case, nakapagparungis din kay Lanto ang pagkakatanggal bilang congressman ng second district ng Lanao del Sur noong 1994 dahil sa election fraud. Ayon sa House of Representative Electoral Tribunal (HRET), nakinabang si Lanto sa pandaraya makaraang palsipikahin ang certificates of canvass at dinoktor ang election returns. Itinanggi naman ni Lanto na nandaya siya sa election. Siya umano ang dinaya.
Kahapon, nagback-out na si Lanto sa appointment bilang Comelec Commissioner. Mabuti naman at nagkaroon ng delikadesa si Lanto. Sa dakong huli, nakapag-isip siya. At marahil, kung hindi siya nag-back-out ay baka marami pang akusasyon ang ibabato sa kanya. Baka hindi lamang ang coercion case ang lumutang. Tama ang naging desisyon ni Lanto na mag-backout para hindi na dumami pa ang mga ibabato sa kanya.
Umano’y si Senator Franklin Drilon ang backer ni Lanto. Mabilis umanong nirekomenda ni Drilon si Lanto kay Aquino. Bakit hindi man lamang nagsagawa ng background check si Drilon sa taong kanyang sinusuportahan? Bakit napakabilis niyang magrekomenda na parang sure na sure siya sa taong “bitbit†niya sa Malacañang. Ngayong nalaman ni Aquino na mayroon palang mga nakalipas na isyu si Lanto, siya ang lumalabas na kahiya-hiya. Nag-aappoint siya sa Comelec na hindi muna sinusuri kung sino ang iniuupo.
Mabuti naman at nagbago ng isip si Lanto. Tama lang ang ginawa niya. Nagpakita na meron pa rin siyang “delikadesaâ€.
- Latest