^

PSN Opinyon

‘Bogus na summer promos’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

SA papalapit na tag-init, ito na ang pinakahihintay na bakasyon para sa karamihan. Marami ang maaga pa lang nagsisimula nang magplano at maghanda para sa kanilang pupuntahang lugar.

Kalimitang sa internet ang unang takbuhan ng ating mga kababayan na naghahanap ng mapagbabakasyunan o summer getaway. Dito rin kasi kadalasang madidiskubre ang iba’t ibang mga pakulo at pa-promo ng mga travel agencies o resorts.

 Subalit paalala ng BITAG, kuwidaw sa lahat ng mga sumasangguni gamit ang internet  dahil hindi mo namamalayan, baka nahulog ka na rin sa mapang-akit na imbitasyon ng mga manloloko.

Modus ng mga kawatan ang akitin ang mga potensiyal na kliyente sa pamamagitan ng pagpapakilala na konektado sila sa travel agencies o resorts at pagbibigay ng napakamurang halaga kapalit ng kanilang serbisyo.

Kung minsan, inaalok pa nila ng mga malalaking diskuwento at iba’t ibang pa-promo tulad ng mga freebies ang sinumang kakagat upang hindi na ito umatras at tuluyang makipag-negosasyon na sa kanila.

Sa oras na mahulog sa kanilang patibong ang biktima, hihingi ang mga ito ng paunang bayad para ipadala sa kanilang bank account.

Ang siste, kapag nakapaghulog na ng bayad ang biktima, hindi na niya muling makakausap ang mga suspek dahil tuluyan na itong tatakas at magtatago.

Kaya naman bago magpa-book ng anumang reservation sa mga website na hindi ka pamilyar, maniguro at manaliksik muna. Huwag agad magtitiwala sa sinumang indibidwal na nang-aalok ng kanilang serbisyo, sa halip dumiretso na agad sa mismong kumpanya.

Payo ng BITAG sa lahat na ngayong darating na bakasyon, maging listo at magduda lalo na kung ang napakamura ng alok nito kumpara sa totoong halaga na nararapat para sa kanilang serbisyo.

Subaybayan ang BITAG Live sa Aksiyon TV Channel 41 at Radyo 5 92.3fm, araw-araw, 10:00 a.m.-11:00 a.m.; Pinoy U.S. Cops-Ride Along at BITAG tuwing Sabado sa PTV Channel 4, 8:30 p.m. - 9:00 p.m. at 9:15 p.m. - 10:00 p.m.

* * *

Para sa inyong mga sumbong at tips magpadala ng text message sa 09192141624 o mag-email sa [email protected] o magsadya sa BITAG Headquarters #299 Syjuco Bldg. Kalaw Hills, Tandang Sora, Quezon City tuwing araw ng Miyerkules, alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

 

AKSIYON

COPS-RIDE ALONG

DITO

HUWAG

KALAW HILLS

PINOY U

QUEZON CITY

SYJUCO BLDG

TANDANG SORA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with