Mag-ingat sa hinihiling
NGAYONG nagsimula ang bakbakan sa Sabah, ceasefire naman ang hinihiling ng Sultan ng Sulu, na tinanggihan ng Malaysia. May nagsabing magpalitan daw sila ng mga bilanggo. Wala ring sagot doon. Tanong ko, bakit nagtungo ng Sabah ang mga kamag-anak at tauhan ng Sultan, na armado, kung hindi sila handa sa magiging kahihinatnan ng kanilang pagpunta roon? Panay ang pahayag na ipaglalaban nila ang Sabah hanggang sa pinaka-huling tao, hanggang kamatayan. Ngayon, ceasefire ang hiling? Parang magkaiba ang pahayag at hiling, di ba?
Sabihin nang inaangkin nila ang Sabah. Pero sa kasalukuyan ay kontrolado ng Malaysia ang buong isla ng Borneo! Siguro kung nagtungo sila sa Sabah na hindi armado, o kaya’y nagplano ng pag-uusap sa gobyerno ng Sabah, baka walang bakbakang naganap! Hindi pa ngayon malaman kung sino ang nagsasabi ng totoo. Ayon sa tagapagsalita ng Sultan, walang namatay sa ginawang pag-atake ng Malaysian security forces. Pero ayon naman sa Malaysia, may mga napatay na tauhan ng Royal Army, at nagpakita pa ng litrato ng mga bangkay! Mahirap na ring maniwala sa mga litrato matapos mabuko ng Palasyo na peke ang litratong ipinakita ng anak ng Sultan ng mga patay na Malaysian. Hindi lang sa isla ng Sabah ang labanan, kundi pati na rin sa media!
Gusto ng pamahalaan ng Malaysia na isuko ng Pilipinas ang Sultan ng Sulu sa kanila para humarap sa mga kaso. May nagpanukala nga na ipagpalit daw ang Sultan kay Manuel Amalilio! Pero hindi raw ito mangyayari dahil dapat kasuhan muna ang Sultan dito sa Pilipinas. Nagha- handa na ang DOJ ng kaso laban sa Sultan. Patong-patong na ang kanyang problema. Kung nahaharap sa barilan ang mga taga-suporta ng Sultan sa Sabah, katunggali naman niya ang pamahalaan ng Pilipinas dito sa atin! Ganun talaga. May kabayaran ang lahat ng desisyon sa buhay, maganda man o masama. Kaya dapat pinag-iisipang mabuti ang planong gawin, bago ipatupad. At inaalam na rin dapat ang mga epekÂto nito sa haba ng panahon. Handang ipagtanggol ng Royal Army ang Sabah, hanggang sa kamatayan sabi ng Sultan. May kasaÂbihan, na mag-ingat sa hiÂnihiling, at baka ibigay sa iyo. Nakukuha na ng Sul-tan at kanyang mga tauhan ang hiniling.
- Latest