^

PSN Opinyon

Akala ko, ayaw ni Gov. Vi ng sugal

- Bening Batuigas - The Philippine Star

PANSAMANTALANG nagsara ang “paihi” at “pasingaw’ sa Bgy. Aguila sa San Jose, Batangas dahil sa utos ni Sr. Supt. Rosauro Acio, ang police provincial director ng probinsiya. Ayon ‘yan sa aking mga pinakalat na espiya matapos kong isiwalat sa madlang people. Alam kasi ni Acio na tatamaan siya at posibleng masibak pa sa puwesto kapag iniutos ni DILG Sec. Mar Roxas na salakayin ang compound ng “paihi” at “pasingaw” ni Manolo Contreras dahil maliwanag na economic sabotage ito. Ang mga trak kasi ng Big 3 oil companies na galing sa depot nila sa Batangas ay dadaan sa Bgy. Aguila at doon binabawasan ng krudo o gasolina. Binibili ito ng tropa ni Contreras sa mababang halaga at ibebenta sa labas sa mababa rin sa original price nito kaya kumikita ang sindikato niya. Ang trak naman ng LPG na kung tawagin ay “bullet” ay dumadaan din sa puwesto ng tropa ni Contreras at pasingaw naman ang lakad nila. Ang “bullet” na trak Sec. Roxas Sir ay ‘yung bilog ang likod. Kaya kapag namonitor ng mga bataan mo na may tangke ng gasolina at “bullet” truck sa compound ng tropa ni Contreras, tiyak gumagana na naman ang “paihi” at “pasingaw” operation nila, di ba mga suki? Hindi lang ang “paihi” at “pasingaw” ang nagsara Sec. Roxas Sir kundi maging ang “Monte de Partida” ni Obet Dimaano sa Bgy. Mayo St., sa Lipa City. Bigatin ang mga nagsusugal sa montehan ni Dimaano dahil panay imbitado lang sila. Kaya ang lahat halos na nagsusugal ng monte ay mayaman. Tulad ng tropa ni Contreras, inutusan din ni Acio si Dimaano na magsara muna dahil mainit pa. Subalit ang mga sugal-lupa naman sa Batangas, gaya ng sakla, bookies ng STL at video karera ay bukas pa.

Ang akala ko ay ayaw ni Gov. Vilma Santos ng sugal? Walang kalaban si Gov. Vi sa darating na May elections subalit napapatunayan na bola-bola kamatis din ang ibinando niyang ayaw niya ng sugal. Kung sabagay, artista si Gov. Vi at sanay na siyang mambola. Si Dodjie Lasierda naman ay patuloy ang tong collection activities sa Calabarzon area. Ipinagyayabang ni Lasierda na hindi siya natatakot kay Roxas dahil hindi naman siya pulis. ‘Ika nga, ang magagawa lang ni Roxas ay kasuhan siya kung ma-entrap siya, ani Lasierda. Eh kaya naman daw ni Lasierda na magpiyansa. Mukhang may alam sa batas si Lasierda, di ba mga suki? Kaya tuloy-tuloy lang ang pitas ni Lasierda at mga alipores niya sa mga pasugalan at hindi iniinda ang galit ni Roxas. Ayon kay Lasierda, maliwanag naman na ang opisina lang ni CIDG director Chief Supt. Francisco Uyami Jr. ang nagpapairal ng “no take, no contact” policy kaya ligtas siya. Tinuruan din ni Lasierda ang mga amo niya ka kapag me bumira sa mga pasugalan sa area nila, ang gagawin lang ay itatwa ito. Kapag nagpumilit ang mga kolumnista, iimbitahan nila ito na sumama sa mga lugar o puwesto ng mga gambling lords para masaksihan ang raid. Magaling magpalusot si Lasierda. Hanggang kailan kaya malalansi ni Lasierda si Uyami at ang kababayan kong si Roxas? Abangan!

vuukle comment

BATANGAS

BGY

CONTRERAS

KAYA

LASIERDA

NAMAN

ROXAS

ROXAS SIR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with