Palpak ang kaso (Huling Bahagi)
IBINASURA ng mababang hukuman ang isinampang petisyon nina Marcia at dalawang anak laban kay Lani para itama ang nilalaman ng birth certificate ng bata alinsunod sa Rule 108-Rules of Court. Ayon sa Korte, ang husgadong lumilitis sa isang “special proceeding†na pagtatama ng rekord ng kapanganakan ng isang tao ay hindi umaakto bilang Family Court alinsunod sa Family Code. Wala itong kapangyarihang ipawalambisa ang kasal nina Juan at Lani at kuwestiyunin ang pagiging lehitimong anak ni Juanito at ipag-utos ang DNA testing nito. Ayon sa korte dapat magsampa ng ibang petisyon kung saan lahat ng partido ay didinggin tungkol sa mga isyung ito.
Ngunit ipinipilit din ni Marcia na sa pagtatama sa rekord ng kapanganakan ni Juanito ay matatalakay na rin ang legalidad ng kasal ng mga magulang ng bata pati na rin ang kanyang pagiging lehitimong anak. Tama ba sila?
MALI. Sa isang kaso ng special proceeding para sa pagtatama ng mga impormasyon ng civil registry alinsunod sa Rule 108, walang kapangyarihan ang korte na ipawalambisa ang kasal o desisyunan ang pagiging lehitimong anak ng isang bata. Ang layunin lang ng prosesong ito ay itama ang maling ngalan, apelyido o mga “clerical error†na agad nakikita ng mata at halata tulad nang maling pagkopya. Ang mga importanteng pagbabago ay kailangan na pag-usapan sa isang “adversarial proceeding†kung saan ang lahat ng taong may kinalaman sa kaso ay sangkot at may karapatan ang bawat panig na sumagot para masabing nasunod ang proseso.
Sa kasong ito, hinahabol ni Marcia at kanyang mga anak na deklarang walang bisa ang kasal nina Lani at Juan pati ang pagiging bastardo ni Juanito sa pamamagitan ng pagkuha ng DNA test. Ang nasabing cause of action ay hindi sakop ng Rule 108. Maaari lamang itong kuwestiyunin sa isang direktang pag-atake na isasampa sa korte at hindi sa isang “collateral attack†o indirektang atake tulad ng kasong ito na sinampa ni Marcia at kanyang mga anak. Ito ay ayon sa A.M.No. 02-11-10-SC na nagkaroon ng epekto at naÂging batas noong Marso 15, 2003 at Art. 171 ng Family Code. Ang petisyon nila ay dapat isampa sa isang Family Court na dapat humawak sa kaso (Barza et. Al. vs. City Civil Registrar of Himamaylan, Negros Occidental et. Al., G.R. 181174, December 4, 2009).
- Latest