PNP puspusan sa trabaho vs. mga kriminal
TODO trabaho ngayon ang Philippine National Police sa pangunguna ni CPNP Allan Purisima kaya naman kaliwa’t - kanan ang kanilang huli at hindi basta mga pipitsugin kriminal ang mga nasusungkit nila kundi yong mga notorious at mga nasa order of battle sa Philippines my Philippines ang nakakawit ng pulisya.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, tatlo sa 20 notorious people na miembro ng Ozamis at Waray group na nagtulungan para i-rescue at patakasin ang 3 tsekwang drug lord sa Cavite may ilang linggo na ang nakakaraan ay nahuli nasa kalaboso na at naghihimas ng rehas samantala ang 11 sa kanila ay malapit ng masungkit dahil anumang oras mula ngayon porke pinpointed na ang kanilang mga lungga.
Sabi nga, senyas na lamang ni Lord este mali ng asset ng PNP ang hinihintay ay timbugan blues na !
Sabi nga, wait a time with patience !
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang operation ‘walang lubayan’ ng PNP ay naging dahilan para matimbog ng CIDG - NCR agents si PO2 Arnold Mario y Pinto, miembro ng PNP - Special ice cream este mali Action Force pala matapos magpalabas ang korte ng warrant of arrest sa kasong multiple murder at multiple frustrated murder dahil sa pagpapasabog ng isang Newman Goldliner bus last January 25, 2011, para mamatay ang 5 people at pagkasugat naman ng 15.
Sa pagkakahuli sa pulis na si Arnold ‘no bail’ reccomended ang ini-hataw este mali ipinataw pala ng korte sa kanya.
Ika nga, mabuburo sa loob ng rehas !
Ang ganitong mga ulat na nababalitaan ng madlang people regarding sa mga hulidap este mali hulihan pala at magagandang accomplishment ng PNP ay nakakataba ng puso para sa mga civilian dahil nababalitaan nila ngayon na hindi na nilulubayan ng pulisya ang mga notorious criminal sa Philippines my Philippines upang mapatili este mapanatili pala ang peace and order sa atin.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa pagkakahuli ng mga kriminal ay tiyak ang mga kuwago ng ORA MISMO, na magkaka-ngusuan pa ng mga magkaka-kosa para mahulog sa balon ng batas ang mga ito.
At sa partihan este parte pala ng madlang people kasama ang mga kuwago ng ORA MISMO, ang masasabi lamang namin ay congrats, CPNP Allan Purisima for job well - done !
Sabi nga, suportado ka ng madlang people sa magandang adhikain mo para sa amin at sa ikauunlad ng bayan.
Abangan.
Amoy ebak ang NAIA
LAST Tuesday evening sa may arrival area ng customs zone ng NAIA Terminal 1 ay biglang umalingasaw ang napakabahong amoy sa loob mismo ng airport.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagkataon pa naman napakaraming pasahero ang nagsidating dahil halos magkakasabay ang mga international flight na lumapag dito kaya tuloy ng mangamoy ang buong customs arrival area at malanghap ito ng mga turista ay......hehehe ! Alam ninyo na ang kasunod.
‘ano ba ang nangyari ?’ tanong ng kuwagong ume-ebak.
‘amoy tae grabe nakakahiya sa mga turista at hindi lamang iyon ang isyu halos masuka ang mga taga - customs sa amoy’ sagot ng kuwagong SPO -10 sa Crame.
‘ano ang mabuting gawin ?’
‘masuka ka na lang.’ Hehehe !
Abangan.
- Latest