^

PSN Opinyon

Editoryal - Daming bata ang may bulate

Pilipino Star Ngayon

KAMAKAILAN lang, napaulat na maraming public school sa buong bansa ang walang malinis na kubeta o ang ibang school ay wala talagang kubeta. Mai-imagine kung ano ang ginagawa ng mga bata kapag inabot ng pag-ihi o pagdumi habang nagka-klase. Sa tabi-tabi na lang iihi o dudumi? Posible. Lalo na kung ang school ay napapaligiran ng mga punong saging o mga matataas na talahib. Hindi kataka-taka na kumalat ang sakit dahil sa kawalan ng kubeta sa mga pampublikong paaralan. At walang ibang kawawa kundi ang mga bata.

Ngayon ay mas matindi pa ang problema sapagkat maraming batang Pinoy ang may “alaga sa tiyan” o may mga bulate. Ayon sa head researcher ng deworming program ng Department of Health (DOH) tinatayang nasa 8.8 milyong batang Pinoy ang may bulate. Ayon kay Vicente Belizario ng University of the Philippines-National Institute for Health, ang pagkakaroon ng bulate ng mga bata ay may kaugnayan sa kahirapan ng buhay. Ayon pa kay Belizario ang pagkakaroon ng bulate ay nagdudulot para maging malnourished ang mga bata, napipigilan ang kanilang paglaki at nagiging dahilan nang paghina ng performance sa school. Umano’y ang mga batang may bulate ay mabagal mag-isip at kulelat sa mga aralin.

Nakapanlulumo na malaman na milyong batang Pinoy ang may parasites sa kanilang bituka. Sa panahon ngayon na marami nang mga gamot para malipol ang mga salot sa tiyan, marami pa palang mga bata ang nagdudusa at unti-unting inaagaw ng bulati ang sustansiya ng katawan. Madali nang mapatay ang mga bulate sa pamamagitan ng regular na pagpurga sa mga ito. Hindi na problema sa panahong ito ang mga parasites.

Noong 2004, nagsagawa na ng deworming program sa maraming public school sa buong bansa. Sa ginawang programa, nabawasan nang malaking porsiyento ang mga batang may bulate. Hanggang 2009 umano isinagawa ang deworming program. Anong nangyari at lumobo na naman ang mga batang may bulate? Nasaan na ang programa?

Turuan naman ng DOH sa tulong ng DepEd ang mga bata para mapanatili ang kalinisan sa katawan. Magsabon at maghugas ng kamay bago kumain. Magkaroon din ng malinis na kubeta para hindi kumalat ang sakit.

 

ANONG

AYON

BATA

BATANG

BULATE

DEPARTMENT OF HEALTH

PINOY

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES-NATIONAL INSTITUTE

VICENTE BELIZARIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with