Black propaganda sa halalan, hi-tech na
NABIGLA ang 12 Team P-Noy senatorial candidates.
Simula pa lang ng kampanya, inupakan agad ng black propaganda ang tatlo sa kanila.
Ang black propaganda ay ikinalat sa pamamagitan ng cell phone text messaging. Galing lahat sa iba’t ibang numero, pre-paid SIMs kaya hindi ma-trace kung sino ang nagpadala.
Tatlong reelectionist senators ang siniraan. ‘Yung una, sinangkot sa anomalya na ikinagalit umano ng mga kapartido. ‘Yung dalawa pa, nagpanukala umano ng pagbawas sa pensiyon ng mga sundalo. Pawang kabulaanan ang mga text.
Kasalanan ito ng National Telecommunications Commission. Kasi pinahintulutan noon pa man ang pagbenta ng pre-paid SIMs kung kani-kanino lang. Nagagamit tuloy ito sa krimen -- kidnapping for ransom at swindling. Sa ibang bansa, kailangan irehistro ng nagbenta at ng bumili ang pre-paid SIMs. Mabigat ang parusa sa paglabag.
Bukod sa kaluwagan sa SIMs, merong pumapasok sa bansa na “portable cell sites.†Karaniwang gamit ito sa pag-alert ng mamamayan. Halimbawa: Sa airports para sa pasaheros, sa eskuwelahan para sa mga estudyante, at sa munisipyo para sa taumbayan. Maari sila padalhan ng babala at anunsiyo sa texts.
Kakaiba ang gadget na ito, halagang P10 milyon, gawang Israel. Ilapit lang sa kahit anong cellsite ng Globe, Smart, o Sun. Magpadala ng text. Lahat ng cell phones sa loob ng 5-kilometrong radius, ano man ang service provider, ay makakatanggap ng mensahe.
Maari itong gamiting panggulo sa kampanya. Dalawang araw bago halalan, ite-text na nag-withdraw kunwari ang kandidato. Kakalat sa buong bayan ang balita -- hindi makokontra dahil huli na.
* * *
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]
- Latest