Bunkhouses o sariling bahay?
NAGING mainit na ang usapin ukol sa bunkhouses na tinatayo ng Department of Social Welfare and Development na alegasyong may corruption na nangyayari para sa libu-libong mga survivors ng bagyong Pablo noong nagdaang December 4, 2012.
Naglabasan na ang mga alegasyon na may mga anoÂmalyang nangyayari sa pagpapatayo ng mga bunkhouses sa mga bayan ng Cateel, Boston at maging sa Baganga, Davao Oriental at sa Compostela naman sa Compostela Valley.
Nasa Office of the Ombudsman-Mindanao na nga ang kasong inihain ng isang June Sanchez-Obenza na dating executive ng KALAHI-CIDSS program laban sa mg opisyales ng DSWD Region-XI.
At sa gitna ng lahat ng mga alegasyon ng anomalya sa pagpatayo ng mga bunkhouses ay naging malaking tanong na rin ngayon kung dapat bang unahin ang project na ito o ang paglabas ng resulta ng assessment ng LIDAR data ng Department of Science and Technology at ang hazard map ng Mines and Geo-Sciences Bureau kung saan ang mga build at no-build zones.
Ano ba talaga ang dapat unahin? Ang resulta ng assessÂment ng MGB at ng DOST o ang pagpapatayo ng mga bunkhouses? Paano pala pag nagawa na ng DSWD ang mga bunkhouses tapos saka lang magpapalabas ang MGB at DOST ng listahan ng mga build at no-build zones?
At bakit nga ba atat na atat ang DSWD sa bunkhouses na iyan na kung tutuusin ay mas maayos pa sana kung bigyan na lang ng mga housing materials ang mga biktima ng bagyong Pablo at sila na lang ang magtatayo nito. Mas madali pang makapagpatayo ng bahay ang mga biktima mismo kaysa naman idadaan pa sa mga bunkhouses na sobra ang mahal.
At ayon kay Compostela Valley Rep. Maricar Zamora-Apsay, ang isa sa pinakamahirap na parte sa pagpapatupad ng build at no-build zones ay ang pagkumbinse sa mga residente na hindi na sila dapat magtayo ng bahay sa no-build zones at lumisan na sila sa kung saan dapat ang mga build zones upang maiwasan na muling maging biktima sa anumang disaster.
Dapat ngang bumuo ng isang multi-agency committee na walang ibang gagawin kundi ang magpapaintindi lang sa mga tao kung bakit kailangan nilang lisanin ang kani-kanilang mga lugar.
Sana ang DSWD ay magsagawa ng isang konkreÂtong pag-aaral sa build at no-build zones at lalo na kung bunkhouses nga ba o kung hindi housing materials na lang para hindi lolobo ang gastos at mapaghinalaan na namang may anomalyang nagaganap.
- Latest