^

PSN Opinyon

Ang Panginoon ang ating tanglaw

GLORIFY THY NAME - Fr. Edd B. Lleva - Pilipino Star Ngayon

NGAYON ang ikalawang linggo ng Kuwaresma na katumbas sa pista ng Pagbabagong anyo ng Panginoon tuwing Agosto 6. Ito’y isang paalaala sa atin na tayo ay makikipagtipan din sa Diyos katulad ng ating amang si Abraham. Ang Panginoon ang ating tanglaw, Siya ang ating kaligtasan. Ipinahayag ni Pablo sa mga taga Filipos na “gagawin ni Hesus na maluwalhati ang ating katawang-lupa tulad ng Kanyang katawan”.

Pagkatapos ipahayag ni Hesus ang tungkol sa Kanyang kamatayan ay isinama Niya sina Pedro, Juan at Santiago sa bundok. Habang Siya ay nananalangin ay nagbagong anyo ang Kanyang mukha at nagningning ang kasuutan. Lumitaw sina Moises at Elias at nakipag-usap kay Hesus. Ang pagbabagong anyo ni Hesus ay isang pagpapakita sa mga apostoles bilang mga saksi na meron talagang kaharian si Hesus. Sila ang mga “eye witness”. Tahasang sinabi ni Pedro: “Narinig namin ito sapagka’t kami’y kasama Niya sa banal na bundok at isang tinig mula sa alapaap na nagsabi: “Ito ang Aking anak, ang Aking hinirang Siya ang inyong pakinggan” (2Pedro1:16-19).

Nabighani si Pedro sa kanyang nakita  kaagad niyang naalaala ang sinabi ni Hesus na Siya’y ipapapatay ng mga Eskriba. “Guro, mabuti pa ay dumito tayo. Gagawa po kami ng tatlong kubol: isa sa inyo, isa kay Moises at isa kay Elias” Ayaw ni Pedro na batahin ang paghihirap na ipinahayag ni Hesus kaya’t nagmungkahi siyang magtayo doon ng kubol.

Kadalasan ay ayaw din nating maranasan ang mga hirap at pagsubok sa ating buhay. Ayaw nating magsakri-pisyo bilang pagpapatibay ng ating pagsunod kay Hesus. Pawang kagandahan ng buhay ang ating ninanais. Ang mga pagsubok at problema ng ating buhay ay bahagi ng

 ating tagumpay. Ang pagsunod natin kay Hesus ay pagpapasan din ng ating krus upang magtamo rin tayo ng tagumpay. 

Gen. 15:5-12, 17-18; Salmo 26; Fil. 3:17, 4:1 at Lk. 9:28b-36

* * *

Binabati ko Ms. Flor Rodriguez, may-ari ng Travel Best sa National City, San Diego County, California na ngayon ay narito sa bansa at nagbabakasyon sa kanyang bayan sa Tarlac, Tarlac.

 

ANG PANGINOON

ATING

AYAW

ELIAS

HABANG SIYA

HESUS

KANYANG

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with