^

PSN Opinyon

‘Biñan drug raid’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

MAAKSIYONG drug raid operation ang mapapanood     ng taumbayan bukas ng gabi sa BITAG.

Mahigit 200 agents ng Philippine Drug Enforcement Agency ang nagsama-sama upang lusubin ang kilalang kuta ng mga durugista sa Bgy. Canlalay, Biñan, Laguna. Ayon sa PDEA, matagal nang nasa kanilang listahan ang Bgy. Canlalay dahil sa hindi matigil-tigil na bentahan at paggamit ng droga rito.

Ilang ulit na umanong nagkaroon ng buy-bust operation subalit, ilang araw lamang ay bumabalik din sa dating gawi ang mga pusher at parukyano ng droga rito. Ang siste, dinarayo pa maging ng mga durugistang taga-ibang bayan ang Bgy. Canlalay para sa droga.

Karamihan kasi sa mga naninirahan sa lugar na ito, walang trabaho, at tanging pagbebenta ng droga lamang ang nakapitang hanapbuhay upang kumita nang mala-king halaga. Dingding lang ang pagitan ng bawat bahay sa target site at ang mga ito na rin ang nagsisilbing drug den ng mga kolokoy. “Tira Now, Pay Later!”, ‘yan ang estilo ng mga putok sa buho sa kanilang mga suki at parokyano ng droga.

Eksklusibo ang BITAG na isinama ng PDEA upang mai-dokumentaryo ang malaking drug raid operation sa Brgy. Canlalay, Biñan, Laguna. Sanib-pwersang pinagplanuhan ng PDEA Special Enforcement Service, PDEA Region 4A at 200 agents mula sa PDEA Academy ang isasagawang operasyon. Pagdating sa target area, mistulang mga dagang kumaripas sa pagtakbo ang mga durugista para makaiwas lamang sa mga operatiba ng PDEA.

Positibong nakuha sa mga bahay ng ilan sa mga suspek na sina Joseph Magbou, Bernadette Lanzaga, at Analyn Guina alyas “Nene” ang ilang sachet ng droga at drug pharapernalia.

Abangan ang kabu­uang detalye ng ikina­sang operasyon ng PDEA SES, PDEA Region 4A, at agents ng PDEA Academy bukas ng Sabado ng gabi na sa PTV Channel 4, mula 9:15 hanggang 10:00 ng gabi, pagkatapos ng Philippine Lotto Draw. Mas maagang mapapanood naman ang Pinoy U.S. Cops, Ride Along, Sabado mula 8:30 hanggang 9:00 ng gabi sa PTV Channel 4.

Huwag ding kaligtaang subaybayan ang BITAG Live araw-araw na sabay mapapakinggan at mapapanood sa bago nitong tahanan sa Aksiyon TV Channel 41 at Radyo 5 92.3fm, araw-araw, 10:00 hanggang 11:00 ng umaga.

Para sa inyong mga sumbong at tips tumawag sa 9325310 o 9328919 o magpadala ng text message sa 09192141624 o mag-email sa [email protected] o magsad-ya sa BITAG Headquarters #299 Syjuco Bldg. Kalaw Hills, Tandang Sora, Quezon City tuwing araw ng Miyerkules, alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

ANALYN GUINA

BERNADETTE LANZAGA

BGY

CANLALAY

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

JOSEPH MAGBOU

PDEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with